Saab Magalona naloka sa whitening cream na ibinebenta sa ibang bansa na may picture niya: Why naman ganorn?! | Bandera

Saab Magalona naloka sa whitening cream na ibinebenta sa ibang bansa na may picture niya: Why naman ganorn?!

Pauline del Rosario |April 13,2023
facebook
share this

Saab Magalona naloka sa whitening cream na ibinebenta sa ibang bansa na may picture niya: Why naman ganorn?!

Pauline del Rosario - April 13, 2023 - 12:16 PM

Saab Magalona naloka sa whitening cream na ibinebenta sa ibang bansa na may picture niya: Why naman ganorn?!

PHOTO: Instagram/@saabmagalona

TILA naloka ang social media influencer at singer na si Saab Magalona matapos magsumbong ang isang netizen na nasa ibang bansa.

Paano ba naman kasi, ang kanyang litrato ay ginagamit na walang paalam at inilagay pa sa kahon ng isang whitening cream.

Ibinandera mismo ni Saab ang screenshot ng conversation nila ng netizen at ipinakita pa ang nasabing beauty products na binebenta sa Cambodia.

Caption pa niya, “Y naman ganorn [smiling face with tear emoji].”

Saad ng nagsumbong, “Hi podmom! I was at the market here in Cambodia (I live here) looking around tapos nakita kita sa carton ng underarm whitening cream!”

Makikita sa screenshot na nagulat si Saab at ang tanging naging sagot nalang niya ay, “omg [crying emoji].”

Nag-trending ang tweet ni Saab at makikitang may iba’t-ibang reaksyon ang maraming netizens sa naging post.

Baka Bet Mo: Saab Magalona sa mga negatibong komento sa anak na may cerebral palsy: I thought we were prepared for this

Narito ang ilan sa mga naging komento:

“Tawang tawa ako because this is so random. But srsly sanaol maputi kilikili [laughing face emoji].”

“Peymus in Asia! Can’t wait marinig sa podcast yung story Haha”

“Naks International mowdel yarn hahahaha laki talent fee mo nyan.”

Samantala, nitong April 12 ay masayang ibinalita ni Saab na natapos na gumaling na siya sa COVID-19 at nakasama na niya muli ang kanyang mga anak.

Caption niya sa kanyang latest Instagram post, “Finally out of isolation today!! Happy to be reunited!”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Saab Magalona-Bacarro (@saabmagalona)

Matatandaang noong April 8 ay ibinalita ng social media influencer na nagpositibo siya sa COVID-19 at nag-isolate siya kaagad upang hindi mahawa ang kanyang pamilya.

Nabanggit pa niya na bukod sa kanyang mga nararamdaman ay mas nahihirapan siyang maging malayo sa kanyang pamilya kahit madalas silang mag-video call.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:

Yassi hindi pa kering ‘magpaka-Andi’ sa Siargao; may inamin tungkol sa pagse-surf sa isla

Lovi naloka sa tarpaulin na ginamit sa isang eksena sa ‘Batang Quiapo’: ‘Bakit parang kukunin ako ni Lord nito? Sa langit ba debut ko?’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending