Karla sa netizen: ‘Ikaw na magdesisyon para sa pamilya namin’

Karla sa isang netizen: ‘Sige, Ikaw na magdesisyon para sa pamilya namin’

Pauline del Rosario - June 29, 2024 - 01:27 PM

Karla sa isang netizen: ‘Sige, Ikaw na magdesisyon para sa pamilya namin’

PHOTO: Facebook/Karla Estrada

NASULAT namin recently ang latest update ng batikang aktres na si Karla Estrada tungkol sa kanyang bahay sa Quezon City.

Ayon sa kanya, hindi na niya ito binebenta.

Kasabay nga rin ng anunsyo niya ay naglabas din siya ng sama ng loob sa isang digital magazine.

Tila hindi niya kasi nagustuhan ang pagkakaulat nito tungkol sa “for sale” niyang two-story family house na tila iniugnay sa kanyang pamilya.

Itinanggi rin ng celebrity mom ang chikang may financial problem siya kaya niya binebenta ang kanyang bahay.

Anyway, usap-usapan ngayon sa post ni Karla ang isang netizen na nag-side comment pa umano sa saloobin ng aktres.

Baka Bet Mo: Karla kay Daniel: Kailangan mong magkamali para may matutunan ka

Komento niya: “Ms. Karla Estarda, you made the right decision not to sell the house that Daniel built for you. That’s his first pundar towards being an artista ‘di ba po? Kaya sayang kung ibebenta niyo po.”

Patuloy niya pa, “Ok lang naman po na titira kayo sa south area dahil may nabili na kayong bahay dun pero bahay niyo dyan sa Q.C punta-puntahan na lang. Andyan lang pati bahay ni Daniel kapitbahay mo. Besides, you have relatives who can take care of your house when you are in your south area home.”

Naging agaw-pansin ‘yan sa ilang Facebook user, kaya pati si Karla ay hindi na nakapagpigil at binarag ang nagkomento.

“Sige ate, ikaw na magdesisyon para sa pamilya namin,” sagot ni Karla.

Aniya pa, “Tutal parang mas alam mo ang aming mga plano. Sus ginoo ko pastilan.”

Karla sa isang netizen: ‘Sige, Ikaw na magdesisyon para sa pamilya namin’

PHOTO: Screengrab from Facebook/Karla Estrada

Umani ng mahigit 5,000 reacts ang naging reply ni Karla at marami pa ang tila bumack-up sa kanya.

Narito ang ilan sa mga nabasa namin:

“Tawang tawa ako..You nailed it Madam Karla! [laughing face, heart hands emojis]”

“‘Wag kang makialam sa buhay ng iba. Buhay mo atupagin mo at pamilya mo.”

“Ugali na talaga ng mga pilipino ang makialam sa buhay ng iba. Juskopo!”

“Feeling ni liberty ad, may liberty sya makialam sa life niyo hehe…Madlang people hayaan niyo sila kung ano desisyon nila sa buhay nila kasi kahit singkong duling wala kayong ambag diyan.”

Kung matatandaan, nitong nagdaang Mayo nang kumpirmahin ni Karla sa isang interview na binebenta niya ang kanyang bahay.

“Two years nang for sale ito, pero hindi lang namin push na push,” kwento ng aktres.

Paliwanag niya, “Kapag may gusto lang, tsaka namimili ako eh kung sino ang pwede dahil siyempre, ako talaga nagagandahan sa bahay ko na ito, pero masyado nang malaki para sa akin mag-isa.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Dagdag niya, “Gusto kong mag-south ngayon kasi nandoon ang mga friends ko and then para sa akin, kung mag-umpisa man ako ng kung ano man ang uumpisahan natin sa Region 8 eh malapit na ‘yung south, malapit na sa airport.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending