Cafe owner todo-tulong sa gustong magka-business

#SerbisyoBandera: Cafe owner todo-tulong sa gustong magka-business

Pauline del Rosario - June 23, 2024 - 07:04 PM

#SerbisyoBandera: Cafe owner todo-tulong sa gustong magka-business

PHOTO: Facebook/Alexandra D. Iluzada

GUSTONG mag-negosyo, pero maliit ang puhunan?

Nako, kering-keri na ‘yan upang makapagsimula sa inyong pangarap na maging business owner.

Katulad na lamang ng kwento ng dating barista na nag-umpisa sa P10,000 na puhunan at ngayon ay may mahigit isandaan nang branches ng milktea at coffee shop.

Siya si Alexandra Iluzada mula sa Cavite at ang owner ng Bigger Brew.

Nakapanayam namin siya exclusively at chinika niya sa amin kung paano nga ba siya naging successful na business owner.

Kwento niya, noong 2018 nang magtayo siya ng milktea shop at diyan din nag-umpisa ang pagtulong nila sa mga nais pumasok sa ganitong klase ng negosyo.

Baka Bet Mo: #SerbisyoBandera: Amang LGBTQ member nagbibigay-kulay sa pamilya

“So some of my friends asked me kung nagtuturo ba kami ng milktea training and then we decided to put a tutorial services for [entrepreneur], which is tinuturo namin ‘yung milktea training and then evolved into barista, bartending and eggdrop workshop and marami pang iba,” sey ni Alexandra.

After daw nilang magturo, nagkakaroon pa sila ng survey upang alamin kung naging successful sila o hindi.

Kalahati raw ay hindi nagiging matagumpay sa kanilang goal kaya dito na niya naisipang mas maging involved pa sa pagtulong.

“Nagkaroon kami una ng franchising for Eggelliecious Cafe, which is an eggdrop business up to nagkaroon kami and nag-decide kami ‘nung year 2020 to come up with Bigger Brew and decided to launch noong 2022,” kwento ng negosyante.

Pagmamalaki pa niya, “So ‘nung nag-start kami, P10,000 ang puhunan namin for ingredients and equipment.”

At dahil daw sa Bigger Brew, nagkaroon siya ng adbokasiya upang maibahagi ang kanyang tagumpay para sa mga nais magnegosyo kahit sa maliit na puhunan lamang.

“Our advocacy for Bigger Brew is magkaroon kami ng proposal with those people na gustong magtayo ng kanilang dream na milktea shop or coffee shop, and to provide a grid system with them, especially ‘yung mga products,” sambit ni Alexandra.

Patuloy niya, “And when it comes to system, hindi na kailangang mahirapan pa ‘yung mga magfa-franchise or magtatayo ng coffee shop kasi we will provide the trainings –’yung operational and ordering system for Bigger Brew.”

Sa ngayon daw, mayroon na siyang mahigit 130 Bigger Brew branches at iba pang franchising businesses.

“So marami na kaming natulungan ngayon na almost 86% ng aming success rate ay from Bigger Brew,” proud niyang sinabi sa amin.

Chika pa niya, “Hindi ko iniisip na magbu-boom talaga siya ng ganito kasi ang plan ko lang talaga before is magkaroon ng sarili kong branch, magkaroon ako ng mga branch out. But nagkaroon ako ng opportunity to share kung ano ‘yung business na meron ako and ayun unexpected siya.”

Mensahe niya sa mga may balak magtayo ng negosyo, pero maliit ang puhunan: “I advise na mag-take kayo ng risk para sa business at pag-aralan ng maigi, of course.”

“Kahit naman small ‘yung capital na meron tayo, we can provide naman ‘yung maliit na puhunan sa isang coffee shop at milktea shop,” wika niya.

Kwento pa niya, “Nag-start kami, just like what I said, P10,000 lang ang puhunan namin and then nag-start kami sa milktea. So kaunti lang ‘yung flavors ‘nung nag-start kami and hanggang sa na-develop din and nakaipon. Then lumaki rin ‘yung negosyo.”

Dagdag niya, “Siguro isa rin sa mga advices ko, when it comes to having a small capital for milktea shop and coffee shop is you need to be prepared and you need to have guts for everything, lalo na sa negosyo.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“So dapat matatag and creative ka when it comes to business,” ani pa ni Alexandra.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending