Coco Martin nais higitan ang sikat na household brand

Coco nais higitan ang sikat na household brand, very hands-on sa negosyo

Reggee Bonoan - November 11, 2024 - 09:27 AM

Coco nais higitan ang sikat na household brand, very hands-on sa negosyo

PHOTO: Screengrab from Instagram/@cocomartin_ph

TRUE ba na pangarap ni Coco Martin na maging “Unilever” pagdating ng araw?

Ang Uniliver ay multinational consumer goods company na nagma-manufacture at nagdi-distribute ng household brands.

Kaya namin ito nabanggit ay bukod sa unang negosyo niyang dishwashing na pinangalanan niyang “Bida” ay magkakaroon pa siya ng maraming produktong magiging household name pagdating ng araw.

Sa kasalukuyan ay naka-plano na ang mga produktong isusunod na i-introduce ng aktor ilang buwan pagkatapos ng Bida dishwashing na ngayon ay trending na sa social media pagkatapos nitong i-post.

At kaya rin nagtayo ng negosyo ang lead actor ng FPJ’s Batang Quiapo ay para makapag-employ ng trabaho sa mga kababayan at base rin sa ipinakitang factory ng dishwashing liquid ay maraming empleyado.

Baka Bet Mo: Jericho nagpumilit maging dishwasher sa isang bar: Kasalanan n’yo, e…malakas kayong uminom

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Coco Martin PH (@cocomartin_ph)

Sa panayam ni Coco kay Ganiel Khrisnan ng ABS-CBN News, “Siyempre sa trabaho parang kahit papano may natutulungan kang kasamahan natin para makapagtrabaho. Ang nakikita ko kasi talaga ngayon ang kulang sa atin ay opportunity, magkaroon ng trabaho. Ano ‘yung ibang paraan na makakatulong ka sa ibang tao? Ano bang paraan para magkaroon pa ng trabaho?”

Inaming tutok din si Coco sa kanyang negosyo para ma-maintain ang quality nito.

“Personally, ako talaga ‘yung tumutok. Ako ‘yung naghanap. Talagang sabi ko pag ito tumayo, ‘pag ito nairaos ko, nai-launch ko ng tama, ayos, alam ko hindi ako mapapahiya. Sabi ko, dito magsisimula ang lahat,” sambit ng aktor.

Dagdag pa niya, “Sobrang daming pinagdadaanan sa buhay ng mga Pilipino, yung hinahanap kasi natin is value for money. Sabi ko nga hanggat maaari, tatapatan ko o lalagpasan ko yung pinaka magandang produkto kasi iniingatan ko pangalan ko.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bakit nga ba inuna niya ang dishwashing liquid bilang negosyo, “Kasi ito ‘yung pinaka madaling buohin, i-formulate. Kasi ‘pag gamot, pagkain, maraming proseso. So ito ‘yung pinakamadali. Ito muna sabi ko ‘yung basic. Ano na ‘yung everyday na ginagamit kasi ang dami ko pinangggalingan. Nag-waiter ako, nag-dishwasher din ako, lahat ng raket. Nag-janitor din ako, nag-tricycle driver ako isa ito sa mga kabisadong kabisado ko na alam kong kailangan natin.”

Samantala, kung ang ibang dishwashing liquid ay 500ml ang laman ng bote ay aabot naman sa 700ml itong produkto ni Coco at mas mura pa para pasok sa budget ng masa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending