Yassi hindi pa kering 'magpaka-Andi' sa Siargao; may inamin tungkol sa pagse-surf sa isla | Bandera

Yassi hindi pa kering ‘magpaka-Andi’ sa Siargao; may inamin tungkol sa pagse-surf sa isla

Ervin Santiago - October 24, 2021 - 08:53 AM

Yassi Pressman at JC Santos

SUPER nag-enjoy ang aktres at TV host na si Yassi Pressman sa pagbabakasyon niya nang ilang araw sa Siargao ngunit inamin niyang hindi pa niya kayang manirahan doon.

Bukod sa naikot niya ang napakagandang isla ng Siargao at nakapag-surf pa nang bonggang-bongga, nabisita rin niya ang kaibigang si Andi Eigenmann na matagal nang naninirahan doon kasama ang pamilya nito.

Kaya naman sa nakaraang virtual mediacon para sa bagong pelikula niya sa Viva Films, ang “More Than Blue” kasama si JC Santos, ay natanong siya kung may plano na rin ba siyang manirahan doon.

Sagot ni Yassi, gusto niyang tumira sa Siargao nang ilang buwan lang pero ang doon na manirahan at mamalagi nang matagalan ay wala pa raw sa kanyang plano.

“Tumira po, of course, for a couple of months pero forever, I think I would have to still stay in my city because nandu’n po ‘yung pinakamamahal kong trabaho which is acting,” sabi ng dalaga.

Dagdag ng aktres, pwedeng-pwede rin daw siyang mag-stay nang matagal sa Siargao kung may gagawin siyang teleserye o pelikul roon.

Sabi pa ng dalaga, biglaan ang pagbisita niya sa isla, “That was nice kasi it was unplanned. I learned how to surf.

“And for me, that experience was amazing because gustung-gusto ko po ‘yung bagong adventures. I love trying new things. I love challenging myself,” dugtong na paliwanag ni Yassi.

Aminado naman ang dalaga na  nahirapan siyang pag-aralan ang surfing dahil bukod sa nakakapagod na ito ay grabe rin ang sakit ng nakuha niyang sunburn.

“Surfing is so hard. Sabi ko, akala ko athletic ako, hindi pala. Ang hirap. Everything hurt. And then ‘yung sunburn pa. So inside your body, outside everything hurts. But I found myself going back every day. And I love the challenge,” chika ni Yassi.

Ang isa pa sa hinding-hindi malilimutan ng aktres sa pagbabakasyon sa Siargao ay ang mga nakilala niyang ng mga tagaroon na naging kaibigan na rin niya kahit sa maikling panahong pamamalagi niya da isla.

“I saw the people. When you get to talk to a lot of local people, mas naiintindihan mo po ‘yung kultura nila. Mas nae-explore natin ‘yung mga islands natin.

“I wanted to explore more of our own pride. And Siargao is the pride of surfing of the world, almost. It’s great to talk to people ng mga experiences nila.

“How they compete. How they would represent the country. I want to keep on learning,” lahad ng dalaga.

https://bandera.inquirer.net/294268/yassi-binisita-ang-pamilya-ni-andi-sa-siargao-i-love-when-you-see-some-of-your-real-friends

Samantala, mula kay Nuel Naval, direktor ng adaptation ng comedy-drama film “Miracle in Cell No. 7”, ay isang panibagong Philippine remake ng Korean romantic drama na dudurog sa inyong mga puso, ang “More Than Blue”.

Paparating na ito sa Vivamax ngayong Nov. 19, at pagbibidahan nga nina Yassi at JC.

Ang “More Than Blue” ay kwento nina K at Cream na kapwa ulila, nakatira sila sa iisang tahanan pero walang romatikong ugnayan sa kanilang dalawa.

Si K ay inabandona ng kanyang nanay nang mamatay ang tatay nito dahil sa kanser, habang si Cream naman ay namatayan ng buong pamilya dahil sa car accident.

Nang malaman ni K na siya ay may taning na dahil sa malalang stage ng cancer, inilihim niya ito kay Cream at itinulak pa niya itong makapag-asawa ng isang mabait at malakas na lalaki.

Kalaunan, nakilala ni Cream si John Louis, isang mayamang dentista na inamin niyang nagugustuhan na niya. Nasaktan ang puso ni K nang malaman ito, ngunit sa isang banda panatag din siya dahil hindi na maiiwanang nag-iisa si Cream.

Ang tunay na pag-ibig ay may kaakibat ngang pagsasakripisyo para sa taong minamahal. Pero sa katayuan nina K at Cream, sapat nga ba ito para higit na maparamdam sa tao na minamahal siya?

Sa Pinoy remake ng romance-drama sensation na ito, ginagampanan ni JC ang role ni K at si Yassi naman bilang si Cream, handa na sila pareho na iparamdam sa mga manonood ang pag-ibig kasabay nang pagluha sa kanilang unang tambalan onscreen.

Excited si Yassi sa kanyang panibagong pelikula. At kahit pa natanggap niya ang parehong Korean at Taiwanese versions nito bilang reference, may pag-aatubili siyang panoorin ito. Sa halip, gusto niyang natural na makabuo ng sarili niyang version ng Cream.

Kasama rin dito si Diego Loyzaga at Miss Universe Philippines 2013, Ariella Arida na kapwa may mahalagang papel sa makadurog-pusong papel sa movie.

Ang “More Than Blue” ay South Korean drama classic na ipinalabas noong 2009, in-adapt naman ito sa Taiwan taong 2018. Mainit ang naging pagtanggap dito, sa katunayan naging domestic highest-grossing film ito ng Taiwan na may halos $300 million gross sa taong iyon.

Naging worldwide phenomenon ito na may blockbuster screenings sa mga East Asian countries kabilang ang China, Hong Kong, Malaysia, at Singapore, at nakapagtala ito bilang highest-grossing Taiwanese film sa mga bansang nabanggit.

Panoorin ang Philippine adaption ng “More Than Blue” sa Vivamax, available ito online sa web.vivamax.net.

https://bandera.inquirer.net/292084/yassi-umaapaw-ang-blessings-masaya-at-nag-eenjoy-sa-business-at-investments

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Follow us: @banderaphl on Twitter | Bandera on Facebook

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending