Saab Magalona umalma sa nagsabing hindi raw proud sa kanya si Francis M kung buhay pa ito: Mas kilala ko tatay ko sa ‘yo
BINANATAN ni Saab Magalona ang isang netizen na nagbigay ng rude comment sa kanya at dinamay pa ang pumanaw niyang ama na si Francis Magalona.
Sa kanyang Twitter account ay nagbahagi ang celebrity mom ng isang kwento patungkol sa isang presidential aspirant na humingi sa kanila ng pahintulot kung maaari bang gamitin nila ang kanta ng ama para sa kanilang kampanya bilang pag-alala na rin sa death anniversary ng kanyang ama.
“Before the filing of candidacy, a presidential aspirant asked if they could use this Francis M song for his campaign. My mom and I discussed. We wanted Leni but she hadn’t announced her candidacy yet,” saad ni Saab.
Dagdag pa niya, “She was thinking maybe it was still a better candidate than Marcos or Duterte. I advised her against it. Sabi ko tatakbo si Leni. Fast forward to today. If my dad were here, he’d be performing at her rallies. #LeniKiko2022: ITO ANG GUSTO KO!!”
Isa si Saab sa mga celebrities na hayagan ang pagpapakita ng suporta sa mga kandidatong sina VP Leni Robredo at Sen. Kiko Pangilinan na tumatakbo sa pagkapresidente at bise-presidente.
Isang Twitter user naman ang nag-quote tweet sa celebrity mom at sinabing neutral lang daw ang kanta ni Francis Magalona na “Kaleidoscope World” at sinabing for sure daw ay hindi proud ang master rapper sa kanya sakaling nabubuhay pa ito ngayon.
“Gurl, ang neutral ng song na Kaleidoscope World. If your father is alive? Malamang di din sya proud sayo. Hahaha,” saad ng netizen na may username na @RavieHearts
Sagot naman ni Saab, “Gurl, parang hindi mo na-gets yung kanta. At gurl, tingin ko mas kilala ko tatay ko kesa sayo.”
Gurl, parang hindi mo na-gets yung kanta. At gurl, tingin ko mas kilala ko tatay ko kesa sayo 💖🙏 https://t.co/rS1Z5eaoZP
— Saab #LeniKiko2022 (@saabmagalona) March 7, 2022
Noong March 6 ay ipinagdiwang ng pamilya Magalona ang ika-13th year ng pagkamatay ng master rapper na si Francis Magalona.
Related Chika:
Maxene, Saab inalala ang 13th death anniversary ni Francis M: Your spirit is alive in the hearts and souls of the Filipinos
Juday umamin, super crush noon si Francis M: Patay na patay ako sa kanya!
Saab sinupalpal ang netizen na nangnega sa kanila ni Maxene: Kaka-computer mo yan!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.