Tom Rodriguez super enjoy sa buhay sa Amerika, pumasyal kasama ang mga pamangkin | Bandera

Tom Rodriguez super enjoy sa buhay sa Amerika, pumasyal kasama ang mga pamangkin

Therese Arceo - September 24, 2022 - 11:59 AM

Tom Rodriguez super enjoy sa buhay sa Amerika, pumasyal kasama ang mga pamangkin
MUKHANG unti-unti na ngang nakaka-move on ang Kapuso star na si Tom Rodriguez mula sa matinding pinagdaanan matapos ang kanilang kontrobersyal na paghihiwalay ng dating asawang si Carla Abellana.

Kamakailan lang ay nagiging aktibo na itong muli sa pagpo-post sa kanyang Instagram account ng kanyang mga larawan kung saan makikita itong nakangiti at mukhang masaya sa kasalukuyang buhay sa ibang bansa.

“Pasyal kasama ang mga babies kanina… makapustura nga!” saad ni Tom sa caption ng kanyang latest IG post.

Sa isa sa mga Instagram stories ng aktor ay ibinahagi nito ang naging roadtrip nila ng kanyang mga pamangkin.

Makikita rin ang mga lyrics ng kantang “I Can See Clearly Now” ni Jimmy Cliff.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Tom Rodriguez (@akosimangtomas)

“Gone are the dark clouds that had me blind
It’s gonna be a bright (bright),” lyrics ng kanta.

Active rin si Tom sa pakikipagkulitan at pakikipagpalitan ng mensahe sa kanyang mga kaibigan base na rin sa comment section ng kanyang post.

Isa sa mga nag-comment sa kanyang post ay ang kaibigang si Rico Robles.

“I like that chain,” saad nito.

Reply ni Tom, “Tito galing Saudi vibes lang, bro.”

May ilan pa ngang tumawag sa kanya bilang “Bruno Rodriguez” dahil medyo magkaparehas sila ng look ng Filipino-American singer na si Bruno Mars.

Matatandaang lumipad pa-Amerika si Tom sa kalagitnaan ng isyu sa pagitan nila ng Kapuso actress at estranged wife niyang si Carla Abellana.

Sa ngayon ay wala pang kasiguraduhan kung kailan magbabalik ang aktor sa Pilipinas at unti-unti na rin itong nagiging abala sa mga raket at trabahong natatanggap sa Amerika. Happy rin ito dahil nakakapag-bonding sila ng kanyang mga kaanak.

Bagamat may kasagsagan pang kontrata si Tom sa GMA-7 ay labis itong nagpapasamalat sa home network dahil naiintindihan nito ang kanyang sitwasyon at hinahayaan muna siyang manatili sa Amerika kasama ang kanyang pamilya.

Related Chika:
Tom gusto sana ng 6 na anak, Carla umapela: Pwede siguro hanggang 2 kasi…

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Tom Rodriguez maayos ang lagay sa Amerika, miss na ang mga kaibigan sa Pilipinas

Tom Rodriguez may babala sa netizens: Baka magulat kayo kapag lumabas na ang lahat-lahat

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending