Max, Pancho sabay ipinagdiwang ang birthday ng anak

Max, Pancho sabay ipinagdiwang ang birthday ng anak, netizens saludo sa co-parenting ng ex-couple

Pauline del Rosario |July 10,2023
facebook
share this

Max, Pancho sabay ipinagdiwang ang birthday ng anak, netizens saludo sa co-parenting ng ex-couple

Pauline del Rosario - July 10, 2023 - 12:52 PM

Max, Pancho sabay ipinagdiwang ang birthday ng anak, netizens saludo sa co-parenting ng ex-couple

PHOTO: Instagram/@maxcollinsofficial

ILANG buwan matapos kumpirmahin ang paghihiwalay, sinigurado ng dating mag-asawa na sina Max Collins at Pancho Magno na maglalaan sila ng oras para ipagdiwang ang 3rd birthday ng kanilang anak na si Skye Anakin.

Makikita sa Instagram post ni Max na may temang “safari” ang birthday party at ito ay naganap sa isang children amusement facility sa Pasig City.

Caption pa niya, “Little [lion emoji] is three [holding back tears emoji].”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Max Collins 🇵🇭🇺🇸 (@maxcollinsofficial)

Baka Bet Mo: Anak nina Max at Pancho knows na ang set-up ng kanilang pamilya: ‘Habang lumalaki siya, never niya kami nakitang magkasama’

Ibinandera naman ni Pancho ang isang video na ipinapakita ang mga kaganapan sa children’s party, pati na rin ang special moment na hinipan ni Skye ang kanyang birthday candles.

Spotted pa sa naturang video ang ilang food carts sa party na mayroon pang french fries, sushi rolls, nachos, at marami pang iba.

“What a fun and love filled 3rd birthday celebration for our @skyecollinsmagno here @playlabph,” wika ng aktor.

Ani pa niya sa caption, “It will never be complete without our friends, family and of course food! [emoji] Thank you Lord God.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Pancho Angelo Magno (@magnopancho)

Napa-comment naman ang maraming netizens sa mga post at inihayag kung gaano sila bumilib sa co-parenting ng dalawa.

Narito ang ilan sa mga nabasa namin sa comment section:

“Wow masaya akong makita na magkasama kayo sa birthday ng anak nyo idol [happy face with hearts emojis].”

“Salute to you both…You manage to be a team for the good of your kids.. kahit may mga differences kayo that’s what you called maturity and knowing responsibilities as parent [clapping hands emojis].”

“One of the good examples of co-parenting… Happy birthday Skye!”

Kung matatandaan, noong Mayo ay kinumpirma mismo ni Max ang hiwalayan nila ni Pancho matapos ma-interview sa programang “Fast Talk with Boy Abunda.”

Naikwento ng actress-model na nangyari ito noong kasagsagan ng pandemya at pinili nalang nila na maging pribado pagdating dito.

Kahit sila ay naghiwalay na, nilinaw ni Max na nananatili pa rin silang mag-bestfriends ni Pancho.

Maaalala na apat na taon sila naging mag-dyowa bago ikinasal noong December 2017.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:

Max Collins nag-explain kung bakit magkahiwalay sila ni Pancho Magno sa 2 b-day party ng anak

Zeinab Harake payag sa co-parenting set up kasama si Skusta Clee pero…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending