Zeinab Harake payag sa co-parenting set up kasama si Skusta Clee pero... | Bandera

Zeinab Harake payag sa co-parenting set up kasama si Skusta Clee pero…

Therese Arceo - June 23, 2023 - 11:14 AM

Zeinab Harake payag sa co-parenting set up kasama si Skusta Clee pero...
INAMIN ng social media personality na si Zeinab Harake na bukas siya sa co-parenting set up sa dati niyang partner na si Skusta Clee para sa kanilang anak na si Bia.

Sa kanyang naging panayam sa “Fast Talk with Boy Abunda” ay natanong siya ng King of Talk kung kumusta ba ang kanyang relasyon sa ama ng kanyang anak.

“For now po, wala po akong any connections sa kanya,” pag-amin ni Zeinab.

Ngunit sa kabila ng kawalang koneksyon sa dating partner ay sinabi nitong gagawin niya kung ano ang makabubuti para sa kanyang mga anak.

“Ako po ginagawa ko lang naman po kung ano po ‘yung makakabuti para sa mga anak ko. Dun ako mas nagfofocus ngayon kesa sa mga bad things na nangyari before,” dagdag pa ni Zeinab.

Aniya, bukas naman daw siya sa ideya ng co-parenting set up sa ama ng kanyang anak kapag maayos na ang lahat sa kanila.

“Dadating po siguro tayo sa time kapag talagang OK na, meron nang respeto sa ‘ming dalawa, tsaka magkakaron ng respeto para sa ‘ming lahat,” saad ni Zeinab.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Baka Bet Mo: Zeinab sa paghihiwalay nila ni Skusta Clee: Buntis ako niloloko na pala niya ‘ko, kapag naaalala ko nandidiri ako sa sarili ko!

Chika pa niya, basta raw kausapin siya nang maayos at basta naroon na ang respeto, ok na ok na siya.

“Bukas naman po ako basta po makikitaan ko ng… Tito Boy ako po talaga ‘yung napakalambot ng [puso] ko lalo na sa mga nakakagawa ng bad. Basta kausapin mo ako nang maayos, patunayan mo sa akin na nirerespeto mo ako, desisyon ko or anything, wala pong magiging problema. Pero kung pasunggab, mahihirapan tayo diyan,” lahad ni Zeinab.

Matatandaang April 2021 nang i-welcome nila nila ang kanilang anak na si Zebbiana o mas kilala bilang si Bia.

Ngunit noong May 2022 ay tuluyan na ngang inamin ni Zeinab na hiwalay na sila ni Skusta Clee dahil sa pagkakaroon nito ng ibang babae habang sila’y magkarelasyon.

Bukod pa rito, nakunan siya sa kanilang pangalawang anak na si Baby Moon dahil na rin sa stress na idinulot sa kanya habang pilit niyang inaayos ang kanilang relasyon noon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Bobby Ray Parks ‘to the rescue’ kay Zeinab Harake laban sa cheating issue: Never naging kabit ‘yung taong mahal ko!

Skusta Clee sa 2nd birthday ng anak na si Bia: Ginawa ko naman lahat

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending