Skusta Clee sa 2nd birthday ng anak na si Bia: Ginawa ko naman lahat | Bandera

Skusta Clee sa 2nd birthday ng anak na si Bia: Ginawa ko naman lahat

Therese Arceo - April 29, 2023 - 06:52 PM

Skusta Clee sa 2nd birthday ng anak na si Bia: Ginawa ko naman lahat
BIGO na naman ang Ex-Battalion member na si Skusta Clee na makapiling ang anak niyang si Bia.

Kahapon, April 28 ay ang ika-2nd birthday ng kanyang anak sa social media personality na si Zeinab Harake ngunit sa kasamaang palad ay hindi nito nasilayan man lang ang anak.

Sa kanyang Facebook page ay ibinahagi ni Skusta ang isang artwork kung saan makikitang buhat buhat niya ang anak habang hinahalikan sa pisngi.

Ang larawan ni Bia sa artwork ay tila hango sa latest photo shoot nito na mapapanood sa vlog ni Zeinab.

Pawang yellow heart emoji lang ang caption ng post ni Skusta.

Ngunit bago pa man ito ay nagbahagi siya ng larawan nilang mag-ama na kuha noong sila pa ni Zeinab.

“Happy birthday anak. Ginawa ko naman lahat eh para makita kita eh sila lang talaga yung ayaw. Magiging okay din lahat.” saad ni Skusta sa kanyang caption.

Ngunit sa ngayon ay deleted na ito sa kanyang social media accounts.

Baka Bet Mo: Skusta Clee sa anak nila ni Zeinab Harake: Pinakamagandang butterfly ng buhay ko

Marami naman sa mga netizens ang tila hindi nagustuhan ang pagiging “feeling victim” ng singer-rapper gayong ito raw ang naging dahilan kung bakit sila naghiwalay ni Zeinab.

“For me. Hindi na lang naman yan basta tungkol lang sa nararamdaman nung nanay! Iniwanan mo yung sarili mong pamilya para sa ibang babaeng hindi rin naman pala magtatagal sayo, Yan ang consequence ng actions mo! Kailangan mong paghirapan i gain ulit yung trust nung nanay, Matagal man atleast diba. Time heals all wounds! In the right time. Magiging maayos rin lahat,” saad ng isang netizen sa post ni Skusta.

Comment naman ng isa, “Bilog ang mundo, kahit baliktarin natin tatay ka ni Bia. Ang masakit lang di mo inisip yung kapakanan ng pamilya mo. Yun yung pinakamahirap gampanan ng mga tatay. Kaya next time, wag na kumapit sa panandaliang sarap. Hindi naman isang beses mo ginawa. Yung dalawa, tatlo, choice mo na yun.”

“Pwede hayaan nyo muna ung mga single mom na mag heal, di nyo alam pinag dadaanan ng isang Single mom na iniwan at niloko,” hirit naman ng isa kay Skusta.

Matatandaang noong Pebrero, nag-post rin ang singer-rapper at sinabing ang hiling niya para sa kanyang kaarawan ay ang makasama ang anak.

“Kahit si Bia lang sa birthday ko,” saad ni Skusta.

Sa kabila nito ay tila bigo siya dahil ang tanging na-post lamang nito ay isang standee ng anak.

Related Chika:
Hiling ni Skusta Clee: Si Bia lang sa birthday ko

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Zeinab sa paghihiwalay nila ni Skusta Clee: Buntis ako niloloko na pala niya ‘ko, kapag naaalala ko nandidiri ako sa sarili ko!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending