Lolit Solis kay Willie Revillame: Huwag ipilit kung talagang hindi ka na hinahanap ng tao | Bandera

Lolit Solis kay Willie Revillame: Huwag ipilit kung talagang hindi ka na hinahanap ng tao

Therese Arceo |August 08,2023
facebook
share this

Lolit Solis kay Willie Revillame: Huwag ipilit kung talagang hindi ka na hinahanap ng tao

Therese Arceo - August 08, 2023 - 04:05 PM

Lolit Solis kay Willie Revillame: Huwag ipilit kung talagang hindi ka na hinahanap ng tao
IPINALIWANAG ng showbiz columnist at talent manager na si Lolit Solis ang totoong dahilan kung bakit siya nagalit sa TV host-comedian na si Willie Revillame.

Sa kanyang Instagram page ay sinabi nitong nagmula ang inis niya sa pagkakatanggal ng kanyang kaibigan na dating nagtatrabaho sa show ni Willie.

“Baka isipin Salve ng tao na sobra ako mean o salbahe kay Willie Revillame. Actually ang reason lang naman kung bakit ako nagalit eh ng alisin niya sa trabaho si Jopay Manago na dati niyang talent coordinator,” saad ni Lolit.

Pagpapatuloy niya, “Kasi nga after mawalan ng work si Jopay inilagay na siya sa Home for the Aged dahil mag isa lang siya sa buhay.”

Bagamat alam ni Lolit na hindi dapat si Williw ang kagalitan at dapat sa mga kamag-anak ng kaibigan ito magdamdam pero hindi raw kasi niya matanggap na dinala ang kaibigan sa pasilodad matapos mawalan ng trabaho.

“Dasal na nga lang ang puwede gawin for Jopay na sana maayos ang lagay niya. At sana magkaruon ng kahit konti panahon mga kamag anak niya na dalawin siya,” hiling ng talent manager.

Baka Bet Mo: Lolit Solis sa karera ngayon ni Willie Revillame: Sa isang iglap bilang naging laos

Nagbigay payo naman ang talent manager kay Willie at sinabing huwag nang magpumilit kung “nag-slide” na ang karera bilang entertainer.

“Kay Willie Revillame naman may constructive na payo naman ako, huwag ipilit kung medyo nag slide ka na as an entertainer. Hintayin mo na lang ulit na hanapin ka ng tao bago bumalik sa harap ng kamera. Huwag ipilit kung talagang hindi ka na hinahanap ng tao,” sey ni Lolit.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Chika pa ni Lolit, dapat daw ay magpahinga muna ito at mag-isip ng mga bogong hirit sa publiko.

“Pahinga muna. Mag isip ng mga bagong jokes. Tignan uli kung ano gusto ng manunuod.

“Puwede naman pahinga muna. Huwag pasok ng pasok pag di mo pa oras dahil hindi pa interesado mga tao sa iyo. Wait muna para bongga,” lahad ni Lolit.

Matatandaang nagpahiwatig si Willie ng kanyang nalalapit na pagbabalik matapos ang ilang buwang pamamahinga nito mula nang umalis sa ALLTV.

Hindi naman ito ang unang beses na sinabihan ni Lolit na magpahinga muna si Willie sa kabila ng ingay ng mga noontime programs ng iba’t ibang istasyon.

Dagdag pa niya, hindi naman daw ito hinahanap ng mga tao.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Lolit Solis sa isyu sa pagitan ni Willie at Viva: Kaya ang tawag ng ilan sa kanya Willie Reklamo

Lolit Solis may tampo nga ba kay Willie Revillame, may sey sa chikang papapalitan ang TVJ: ‘Mahina ang magiging dating’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending