Maja Salvador, Rambo Nuñez nagpalitan na ng 'I do' sa bonggang-bonggang kasalan sa Bali, Indonesia; sosyalera na, star-studded pa | Bandera

Maja Salvador, Rambo Nuñez nagpalitan na ng ‘I do’ sa bonggang-bonggang kasalan sa Bali, Indonesia; sosyalera na, star-studded pa

Ervin Santiago |July 31,2023
facebook
share this

Maja Salvador, Rambo Nuñez nagpalitan na ng ‘I do’ sa bonggang-bonggang kasalan sa Bali, Indonesia; sosyalera na, star-studded pa

Ervin Santiago - July 31, 2023 - 05:59 PM

Maja Salvador, Rambo Nuñez nagpalitan na ng 'I do' sa bonggang-bonggang kasalan sa Bali, Indonesia; sosyalera na, star-studded pa

Maja Salvador at Rambo Nuñez kasama sina Daniel Padilla, Arjo Atayde at Joshua Garcia

NAGPALITAN na ng “I do” ang celebrity couple na sina Maja Salvador at Rambo Nuñez sa kanilang bonggang-bonggang wedding sa Bali, Indonesia, ngayong araw, July 31.

Naganap ang napakaelegante at napakasosyal na garden wedding nina Maja at Rambo sa Apurva Kempinski Bali, na sinaksihan ng kanilang mga kapamilya at malalapit na kaibigan in and out of showbiz.

Base sa mga nakita naming pictures at video sa social media na ipinost ng ilang um-attend sa kasalan, talaga namang super star-studded ang event.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Nakita namin sina Kathryn Bernardo, Daniel Padilla, John Lloyd Cruz, Joshua Garcia, Janella Salvador, Kakai Bautista, at ang bagong kasal ding sina Maine Mendoza at Arjo Atayde.

Present din sa Big Day nina Rambo at Maja ang celebrity couple na sina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati, MJ Lastimosa, Pooh, Laureen Uy, Miles Ocampo, ang mag-asawang Ariel Rivera at Gelli de Belen, at marami pang iba.

Kagabi, July 30, nagsama-sama muna ang mga guests ng future husband and wife para sa kanilang pa-welcome dinner. Base sa mga nakita naming mga pictures at video sa socmed, talagang naging super busy sina Maja at Rambo sa pag-aasikaso sa kanilang mga bisita.

Sa kanyang Instagram account, nag-share ang wedding at fashion photographer na si Pat Dy ng ilang litrato nina Maja at Rambo na masayang nililibot ang bawat table sa kanilang pa-dinner.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Makikita sa mga pictures na parehong naka-white OOTD ang groom and bride. Base sa mga ulat, nakasuot si Maja ng puting Chanel crochet-knit dress with matching Jimmy Choo steppers at diamond dangling earrings.

Baka Bet Mo: Maja sa pagpapakasal kay Rambo: Napag-uusapan pero si God pa rin ang bahala, sa tamang panahon…

Nakaputing suit naman si Rambo (walang panloob kaya kitang-kita ang dibdib nito) na tinernuhan niya ng cream-colored loafers.

Sa isang video na ipinost ni Ms. Rhea Tan, makikita si Lloydie na nagbibigay ng mensahe kina Maja at Rambo kung saan pabiro pa niyang tinawag na “ambisyosa” ang kanyang kaibigan at talent manager.

Bago lumipad patungong Bali, Indonesia sina Maja at Rambo, um-attend muna sila sa kasal nina Maine Mendoza at Arjo Atayde sa Baguio nitong nagdaang Friday, July 28.

Matatandaang ibinandera nina Maja at Rambo ang kanilang engagement noong April 17, 2022 sa pamamagitan ng Instagram.

Heart naloka sa birthday at Valentine gift ni Chiz, natagpuan ang matagal nang hinahanap

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Maja Salvador tipid pa rin sa pagse-share ng detalye sa ‘destination wedding’ nila ni Rambo Nuñez; binansagang ‘Queen of All Networks’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending