Paalala ni Boy Abunda sa mga Pinoy: ‘Makialam tayo’
“HINDI pwedeng wala tayong pakialam sa isa’t isa dahil kapag nagbuklod-buklod tayo, we become stronger.”
‘Yan ang mariing sinabi ng award-winning TV host na si Boy Abunda nang ibahagi ang kanyang natutunan mula sa mga reklamong pinakinggan kasama ang magkapatid na Sen. Alan Peter at Sen. Pia Cayetano sa nakaraang episode ng “CIA with BA.”
Isa rito ay mula kay Rosalie na dumulog sa segment na “Payong Kapatid.” Pitong taon na ang nakalipas mula nang siya ay magtapos ng kolehiyo ngunit hindi pa rin niya makuha ang kanyang transcript of records at diploma na kailangan niya sa pag-a-apply ng trabaho dahil sa kasamaang-palad ay nagsara na ang eskwelahan.
Sa dulo ng nasabing segment, nabunyag na ang paaralan ay hindi accredited ng Commission on Higher Education (CHED) na mag-offer ng tertiary education programs, kabilang ang kursong tinapos ni Rosalie.
Sa tulong ni CHED Regional Director Julieta Paras, inendorso si Rosalie sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) kung siya ay mabibigyan ng credentials.
Samantala, nagsilbi ring tinig ng nasa isang libong katao na nagtapos sa parehong paaralan ang reklamo ni Rosalie dahil kanila rin itong nararanasan.
Baka Bet Mo: Boy Abunda, Alan Peter Cayetano ramdam na ramdam ang bigat ng kalooban ng mga nagrereklamo sa ‘CIA with BA’
“That’s what makes us human. We are God’s creation. I think we all are put here for a reason so when we hear those stories about people na inuuna niya or pina-prioritize niya ‘yung ikabubuti ng ibang tao, it makes me happy about being a human,” sabi ni Sen. Pia.
“May mga tao talaga na, ‘wag mo akong pakialaman, hindi mo ito buhay.’ Pero meron talagang mga tao na hindi pwedeng hindi makialam lalo na kung at stake ang kapakanan ng iba,” sabi naman ni Tito Boy Abunda.
Ang “CIA with BA’ ay pagpapatuloy ng nasimulang misyon ni Sen. Rene Cayetano, ang yumaong ama nina senador Alan Peter at Pia.
Si Senador Rene ang orihinal na abogadong nagbibigay ng legal advice sa telebisyon at siyang host ng sikat na programang Compañero y Compañera noong 1997 hanggang 2001.
Panoorin ng “CIA with BA” tuwing Linggo, 11:30 ng gabi sa GMA 7.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.