‘Fishing ban’ inalis na sa lahat ng baybayin ng Oriental Mindoro

‘Fishing ban’ inalis na sa lahat ng baybayin ng Oriental Mindoro

Pauline del Rosario - July 22, 2023 - 05:38 PM

‘Fishing ban’ inalis na sa lahat ng baybayin ng Oriental Mindoro

INQUIRER file photo

GOOD news para sa mga mangingisda ng Oriental Mindoro!

Pupwede na ulit kayong mangisda dahil tinanggal na ang “fishing ban” sa lahat ng baybayin ng nasabing probinsya.

Inanunsyo ‘yan mismo ng provincial governor na si Humerlito sa kanyang social media account.

Ayon kay Dolor, inalis nila ang fishing ban dahil base sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ay negatibo na ang mga karagatan sa polycyclic aromatic hydrocarbons (PAH).

Ang ibig sabihin niyan, wala nang presenysa ng langis sa katubigan kaya ligtas na ring kainin ang mga isda na naroon.

Baka Bet Mo: COVID-19 ‘public health emergency’ sa Pilipinas pinawalang-bisa na ni PBBM

“Simula sa araw na ito, July 20, 2023, ang fishing sa Bayan ng Pola ay lifted (inaalis) na. Lahat din ng water activities sa baybayin ng Pola ay pinapayagan na,” sey ni Dolor sa kanyang FB post.

Anunsyo pa niya, “Today, ating idinideklara na bukas na ang pangisdaan at gawain sa lahat ng baybayin ng Oriental Mindoro.” 

Kung matatandaan, February 28 nang maperwisyo ang Oriental Mindoro dahil sa lumubog na oil tanker na MT Princess Empress sa karagatan ng Naujan.

Ito ay may dalang 800,000 na litro ng langis na nagdulot ng oil spill sa maraming lugar.

Nauna nang ibinalita ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na mahigit 590 na ektarya ng “marine protected areas” sa nasabing bayan ay maaaring masira ng oil spill.

Nitong March 3, nagbabala ang Oriental Mindoro Provincial Health Office (PHO) sa mga posibleng panganib sa kalusugan sakaling ma-expose sa kontaminadong tubig-dagat.

Read more:

COVID-19 hindi na itinuturing ‘global health emergency’ –WHO

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Classical singer na si Lara Maigue bibida sa pagkanta ng ‘Pambansang Awit’ sa SONA ni PBBM

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending