‘Fishing ban’ sa Oriental Mindoro inalis na sa 7 bayan

‘Fishing ban’ sa Oriental Mindoro inalis na sa 7 bayan

Pauline del Rosario - May 08, 2023 - 04:16 PM

‘Fishing ban’ sa Oriental Mindoro inalis na sa 7 bayan

PHOTO: Madonna T. Virola

TINANGGAL na sa ilang bayan ng Oriental Mindoro ang “fishing ban” o pagbabawal ng pangingisda.

Inanunsyo ‘yan mismo ng gobernador ng nasabing probinsya na si Humerlito Dolor sa isang press conference ngayong May 8.

Ayon kay Gov. Dolor, pwede nang mangisda sa mga bayan ng Baco, San Teodoro, Puerto Galera, Bongabong, Roxas, Mansalay at Bulalacao.

Gayunpaman, mananatili ang nasabing ban sa Calapan City, pati na rin sa mga bayan ng Naujan, Pola, Pinamalayan, Gloria at Bansud.

Sabi ni Dolor, ang mga apektadong residente ay pwede namang mangisda sa ibang parte ng probinsya.

As of this writing, patuloy pa ring napeperwisyo ang Oriental Mindoro dahil sa lumubog na oil tanker na MT Princess Empress sa karagatan ng Naujan noong February 28.

Ito ay may dalang 800,000 na litro ng langis na nagdulot ng oil spill sa maraming lugar.

Baka Bet Mo: DSWD pinalawig ang ‘cash-for-work program’ sa Oriental Mindoro na apektado ng oil spill

Nauna nang ibinalita ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na mahigit 590 na ektarya ng “marine protected areas” sa nasabing bayan ay maaaring masira ng oil spill.

Nitong March 3, nagbabala ang Oriental Mindoro Provincial Health Office (PHO) sa mga posibleng panganib sa kalusugan sakaling ma-expose sa kontaminadong tubig-dagat.

Read more:

Julia, Coco muling magtatambal sa pelikula; magsu-shooting na sa Oriental Mindoro

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Janella takang-taka kung bakit niregaluhan ng tinapa ng isang fan: ‘I need an explanation for this one’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending