15 sugatan sa pagsabog ng Korean resto sa Oriental Mindoro
HINDI bababa sa 15 katao ang sugatan matapos sumabog ang isang Korean restaurant sa Oriental Mindoro.
Ayon sa report ng pulisya, nangyari ito kaninang 10:20 a.m., June 29, sa loob ng shopping mall na nasa Barangay Lumangbayan sa Calapan City.
Ang sanhi ng pagsabog ay dahil sa tumagas na gas.
Sabi ng mga awtoridad, kabilang sa mga nasaktan ang apat na crew ng restaurant, isang delivery man at sampung hindi pa nakikilalang indibidwal.
Bukod diyan, isang dosenang mga sasakyan ang nadamay at nasira.
Baka Bet Mo: Candy ‘naaksidente’ sa EDSA, sumabog ang gulong ng kotse: Hindi naman masyadong wasak ‘di ba, wasak na wasak!
Kasunod ng insidente, inactivate ng Police Regional Office (PRO) Mimaropa (Mindoro Oriental & Occidental, Marinduque, Romblon, and Palawan) sa pakikipag-ugnayan ng iba pang ahensya ang pagpapatupad ng batas para sa kaligtasan ng publiko.
Sa ngayon, iniimbestigahan pa rin ng mga awtoridad ang nangyaring pagsabog.
“Our law enforcement personnel are working closely with the BFP to gather all necessary evidence and information to facilitate a thorough investigation,” sey ng hepe ng PRO Mimaropa na si brigadier general Joel Doria sa isang pahayag.
Hinihikayat din ni Doria ang sinumang may impormasyon kaugnay sa pagsabog na lumapit at mag-report sa pulisya.
Read more:
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.