Julia, Coco muling magtatambal sa pelikula; magsu-shooting na sa Oriental Mindoro | Bandera

Julia, Coco muling magtatambal sa pelikula; magsu-shooting na sa Oriental Mindoro

Reggee Bonoan |July 15,2021
facebook
share this

Julia, Coco muling magtatambal sa pelikula; magsu-shooting na sa Oriental Mindoro

Reggee Bonoan - July 15, 2021 - 01:52 PM

KAMAKAILAN lang ay inilabas namin dito sa BANDERA ang larawang magkakasama sina Coco Martin, Julia Montes at JM De Guzman.

Ipinost ito ni JM sa kanyang Instagram account na may caption na, “Yes? yes. #lawofattraction.” Kasama rin nila sa larawan ang mga direktor na sina Erik Matti at Richard Somes.

Ang daming nag-react mula sa CocoJuls supporters ay nagsabing excited na sila sa upcoming project ng rumored couple kahit hindi pa nila talaga alam kung ano ito.

Pero may nakausap naman si direk Erik na wala raw itong project na gagawin. Nagkita-kita lang daw sila nina Coco kaya nagpa-picture sila for remembrance.

Pero base naman sa isinulat ng katotong Leo Bukas ay nasa Pola, Oriental Mindoro ngayon sina Coco at Julia kung saan sila magsu-shooting para sa pelikulang ididirek ni Brillante Mendoza na co-producer din ang aktor.

Nabanggit din na makakasama rin sa nasabing project si Raymart Santiago at isang baguhang aktres na hindi pa binabanggit ang pangalan.

May nakita rin kaming larawan nina Coco at Julia na ipinost ng kasalukuyang mayor ng Pola sa Oriental Mindoro na si Jennifer Mindanao Cruz o mas kilala sa showbiz bilang si Ina Alegre.

Ang caption niya sa litrato ay, “With Coco Martin and Julia Montes location familiarization. Thanks Direk Brillante Mendoza and Direk Bing shooting sa Pola. I love Pola.”

Umabot sa 3k ang nag-like sa larawan nina Coco at Julia at umabot naman sa 648 ang shares na ibig sabihin ay talagang marami na ang excited sa pagbabalik tambalan nina Coco at Julia na huling nagsama sa pelikulang “A Moment in Time” noon pang 2013 na kinunan sa ilang magagandang lugar sa Europe.

Samantala, ayon naman sa mga tagasuporta ng dalawang Kapamilya stars, sana raw ay ibandera na nila ang tunay na estado ng kanilang relasyon at aminin na sa lahat na nagmamahalan sila.

Hanggang ngayon kasi ay wala pang diretsong pag-amin sina Coco at Julia na matagal na silang magkarelasyon. Pero komento naman ng ilan, hindi na kailangan pa dahil kitang-kita naman daw ang ebidensya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending