Visayas, Mindanao positibo sa ‘red tide’, pagkain ng shellfish ipinagbawal muna ng BFAR
POSITIBO sa “toxic red tide” ang ilang baybayin sa Visayas at Mindanao.
‘Yan ang naging babala ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa publiko kamakailan lang.
Dahil diyan pansamantalang ipinagbabawal ang pagkain at pagbebenta ng mga shellfish na makukuha sa ilang coastal areas.
Baka Bet Mo: Mga manggagawa sa Central Luzon may P40 na dagdag-sahod simula Oct. 16
Narito ang listahan na apektado ng red tide:
-
Capiz – Sapian Bay, Roxas City, President Roxas, Panay, Pilar
-
Iloilo – Gigantes Islands, Carles
-
Bohol – Dauis, Tagbilaran City
-
Zamboanga del Sur – Dumanquillas Bay
Ayon sa BFAR, ang lahat ng uri ng shellfish katulad ng tahong, halaan at talaba ay hindi ligtas dahil mayroon itong lason na dulot ng pagkakontamina ng lamang-dagat.
“All types of shellfish and Acetes sp. or alamang gathered from the areas shown above are not safe for human consumption,” sey sa inilabas na pahayag ng BFAR.
Nilinaw naman ng BFAR na maaaring kumain ng isda, pusit, hipon at alimango na nanggaling sa mga nabanggit na baybayin.
Tiyakin lang, anila, na ang mga ito ay sariwa, nahugasan nang mabuti, tinanggalan ng bituka at hasang at nilutong mabuti.
Read more:
Marian: May anak ako kaya kailangan kong maging matatag at malakas para sa kanila
‘Fishing ban’ inalis na sa lahat ng baybayin ng Oriental Mindoro
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.