COVID-19 hindi na itinuturing ‘global health emergency’ –WHO
INALIS na ng World Health Organization (WHO) ang “global health emergency” sa COVID-19.
Talaga namang good news ang naging anunsyo ng WHO nitong May 5.
Para sa kaalaman ng marami, isa itong malaking hakbang patungo sa pagtatapos ng pandemya sa buong mundo makalipas ang tatlong taon.
Noong May 4 lamang ay nagpulong-pulong ang Emergency Committee ng WHO at inirekomenda ang pagdedeklara ng pagtatapos ng “public health emergency of international concern.”
“It is therefore with great hope that I declare Covid-19 over as a global health emergency,” sey ng WHO Director General na si Tedros Adhanom Ghebreyesus.
Ngunit paglilinaw ng nasabing organisasyon na patuloy pa rin ang panganib ng virus sa ating kalusugan kaya kailangan pa ring mag-ingat.
“Covid-19 has changed the world, and it has changed us. And that’s the way it should be. If we go back to how things were before Covid-19, we will have failed to learn our lessons, and failed our future generations,” saad ni Ghebreyesus.
Baka Bet Mo: Kris Aquino may ‘medical emergency’, pupunta sa Amerika para magpagamot
Ayon sa data ng WHO, malaki na ang ibinaba ng naitatala nilang death rate.
Mula, aniya, sa 100,000 na namamatay kada linggo noong January 2021, ngayon ay umaabot na lamang ng 3,500 per week.
As of this writing, nasa mahigit 765 million na ang tinamaan ng COVID-19 sa buong mundo.
Halos pitong milyon naman ang officially recorded ng nasabing ahensya mula nang magkaroon ng pandemya.
Ngunit ayon naman kay Ghebreyesus, hindi bababa sa 20 million ang mga namatay dahil sa COVID-19 at ito ay kasalukuyan pang kinukumpirma.
Related Chika:
Megan, Mikael mas naging wais sa pera dahil sa pandemya; nagbenta ng kotse pangdagdag sa ipon
Miles Ocampo nagkaroon ng life-threatening medical emergency, nagpa-surgery sa thyroid
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.