Lalaki nag-amok sa lamayan; salamin ng kabaong binasag, bangkay sinuntok sa mukha | Bandera

Lalaki nag-amok sa lamayan; salamin ng kabaong binasag, bangkay sinuntok sa mukha

Ervin Santiago |July 20,2023
facebook
share this

Lalaki nag-amok sa lamayan; salamin ng kabaong binasag, bangkay sinuntok sa mukha

Ervin Santiago - July 20, 2023 - 09:35 AM

Lalaki nag-amok sa lamayan; salamin ng kabaong binasag, bangkay sinuntok sa mukha

Pilit na inaawat ng mga nasa lamayan ang nag-amok na suspek (Screenshot mula sa contributed video ni Paul Lauro)

SINAPAK ng isang lalaki ang bangkay ng babaeng pinaglalamayan sa Cebu City nang bigla itong magwala nitong nagdaang Lunes, July 17.

Naiskandalo ang tahimik na burol ng isang nagngangalang Alecia Hernandez sa Sitio San Roque, Barrio Luz, nang dumating at mag-amok ang suspek na si Bryan Tarucan, 41, isang construction worker.

Ayon sa report ng Cebu Daily News, naganap ang insidente noong Lunes, dakong alas-10 ng gabi habang pinaglalamayan ang labi ni Hernandez ng kanyang pamilya at iba pang kaanak at kaibigan.

Base sa mga video na nai-record ng mga saksi, bigla na lamang umanong dumating sa lamay ang suspek na pinaniniwalaang lasing, at nagsimulang magwala.

Una nitong sinuntok ang krus na nakasabit sa itaas na bahagi ng kabaong ng patay.

Kasunod nito, binasag din niya ang salamin ng kabaong at saka sinuntok umano ang mukha ng labi ni Hernando, ayon sa inisyal na imbestigasyon ng Mabolo Police Station.

Sa panayam ng Cebu-based radio station na dyHP sa anak ni Alecia na si Alex Hernando, pinagsabihan at kinompromta nila ang suspek matapos nitong basagin ang salamin ng ataul.

Baka Bet Mo: Maegan Aguilar pinagbawalan ang magulang, kamag-anak na hawakan at lapitan ang kanyang bangkay kapag namatay

Ngunit nanlaban pa raw ito kaya napilitan na silang awatin at palabasin ang suspek mula sa chapel kung saan nakaburol si Alecial. Agad din nilang ini-report sa mga otoridad ang pangyayari.

Ayon sa pulisya, magsasampa ng kaso ang pamilya Hernando laban sa suspek na nakakulong ngayon sa Mabolo Police Station.

Humingi na ng paumanhin ang pamilya ni Tarucan sa pamilya Hernando at umaasa sila na sana’y huwag nang ituloy ang pagdedemanda sa suspek na may pinagdaraanan lang daw sa kanyang buhay ngayon.

Patuloy pa ring iniimbestigahan ng pulisya ang nasabing insidente.

#RafflePaMore: Kabaong ginawang grand prize sa isang Christmas party

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ellen tsinugi na sa comedy show ng TV5; bigla na lang daw lumayas sa taping

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending