#RafflePaMore: Kabaong ginawang grand prize sa isang Christmas party | Bandera

#RafflePaMore: Kabaong ginawang grand prize sa isang Christmas party

Therese Arceo |December 07,2022
facebook
share this

#RafflePaMore: Kabaong ginawang grand prize sa isang Christmas party

Therese Arceo - December 07, 2022 - 06:50 PM

#RafflePaMore: Kabaong ginawang grand prize sa isang Christmas party

DAMANG-DAMA na nga talaga ang Kapaskuhan lalo na at panay na ang pagsasagawa ng Christmas party ng iba’t ibang lugar.

At isa nga sa mga pinakaaabangan ay ang raffle kung saan halos lahat ay talagang nagdarasal at umaasa na sana’y mabunot ang kanilang mga pangalan lalo na sa major prizes.

Pero mae-excite ka pa nga ba o magdarasal nang mataimtim kung ang mga papremyo ay cremation urn, formalin, at kabaong?

Yes, you read it right! Isang asosasyon ang nagkaroon ng Christmas party at ito ang kanilang prizes sa lahat ng mga attendees.

Sa katunayan, nag-post ang mismong event host na si Tita Kei sa kanyang TikTok account ng video habang tinatawag n’ya ang nanalo at inilalagay sa stage ang kanyang napanalunang kabaong.

“May mga appliances din na na-raffle bago ‘yan pero ang pinaka-main prize nila ay mga ataul, formaldehyde, at marble urn,” pagbabahagi ng event host.

@titakeii Hindi lang Appliances ang pwedeng iraffle!!! Sino kaya ang mag uuwi ng Ataul?!!! #pma #xmasparty #fypシ #foryou #mortuary ♬ original sound – Tita Kei

Pagpapatuloy ni Tita Kei, “Then nung nag-grand prize na, akala ko nung una, hindi ilalabas yung mga ataul. Sabi ng organizer, mas maganda ilabas at ilagay sa stage.

“Nasabi ko na lang habang inilalabas ang mga ataul is, ‘ILABAS ANG CASKET!’ at ‘BIGYAN NG CASKET YAN!’ Lahat po sila tawa nang tawa.”

Well hindi rin naman basta-basta ang kabaong dahil mula ito sa Batesville na umaabot sa milyon ang halaga ng kada kabaong.

Chika pa ni Tita Kei, ang akala niyang kliyente ay Philippine Military Academy dahil PMA daw ngunit kalaunan habang nagmi-meeting sila ay nalaman niyang Philippine Mortuary Association.

“It’s a three-day event po. First and second day, more on presentation ng mga kilalang speaker about business, social media, etc. Then third day po, ayun na yung Christmas Party.”

Ani Tita Kei, super happy daw ng kanyang experience dahil ito ang unang pagkakataon na nakasaksi siya na isang kabaong ang papremyo sa raffle.

Dagdag pa niya, “Lahat po ng nakatanggap is super happy. Lalo na po ‘yung grqnd prize na ataul, from Batesville na napakamahal.”

Other Chika:
Kim Chiu proud tita sa 3 pamangkin na nagtapos ‘with honors’: I wanna cry na…parang ako yung nagluwal!?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

John Lloyd dumalo sa isang Christmas party kasama ang rumored dyowa?

Sarah ka-join sa Christmas party ng Guidicelli family

Luis ‘shookt’ sa relasyon nina Edu at Cherry Pie: Feeling ko baka sila na ang itapat sa KathNiel!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending