Ellen tsinugi na sa comedy show ng TV5; bigla na lang daw lumayas sa taping | Bandera

Ellen tsinugi na sa comedy show ng TV5; bigla na lang daw lumayas sa taping

Reggee Bonoan |August 02,2021
facebook
share this

Ellen tsinugi na sa comedy show ng TV5; bigla na lang daw lumayas sa taping

Reggee Bonoan - August 02, 2021 - 11:20 AM

Ellen Adarna at Derek Ramsay

TRULILI ba na ilang linggo nang huminto ang taping ng comedy show na “John En Ellen” nina John Estrada at Ellen Adarna na umeere sa TV5?

Hindi raw ito dahil sa pagbabalik ng enhanced community quarantine (ECQ) sa National Capital Region (NCR) at ilang probinsya kundi dahil iniisipan na ng bagong kuwento ang programa.

Tatanggalin na kasi sa show si Ellen dahil umano sa attitude problem nito na hindi na matagalan ng buong production.

Ayon sa aming source ay hindi cooperative ang fiancée ni Derek Ramsay sa show dahil kapag ayaw mag-taping ay hindi siya mapipilit kesehodang nakikiusap na ang lahat dahil may hinahabol na cut-off lalo’t naka-lock in taping sila.

Ang huling ginawa raw ni Ellen ay iniwan ang show nang walang kaabog-abog dahil gusto lang niyang umuwi samantalang bayad siya para mag-shoot.

Sinundo raw siya ng fiancé niyang si Derek at maging ang aktor ay kinausap na rin na baka puwedeng mag-stay sandali ang aktres kasi sayang naman kung basta na lang ipa-pack up ang taping kasi nga malaking gastos ito.

Pero wala raw nagawa si Derek hanggang sa umalis na lang sila ni Ellen sabay bitbit ng aktor sa bag ng mapapangasawa.

Sa pagkakaalam namin ay may bagong batas na sa production na kapag na-pack up ang isang taping o shooting ay pinababayaran sa artista ang buong gastos, pero sa kaso ni Ellen ay waley.

Tanong nga namin sa aming kausap baka kasi naghahanda na sa kasal nila sina Derek at Ellen na hindi puwedeng ipagpaliban kaya bigla na lang umalis.

“Hindi, pasaway siya talaga, sakit siya ng ulo sa buong prod, galit sa kanya actually,” sabi ng kausap namin.

Tinanong namin kung alam na ni Ellen na tsugi na siya sa show, “Oo alam na.”

Ang hinanakit ng taga-production ay panahon ng pandemya ngayon at maraming nangangailangan ng work dahil tigil trabaho sila kaya wala silang kikitain ngayon kung kailan naman magkakaroon ulit ng lockdown.

“Buti siya, mayaman siya kahit hindi siya mag-work mabubuhay siya, may pera siya, paano ang mga taong per day ang bayad?” sabi pa ng aming kausap.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bukas ang BANDERA sa panig ni Ellen Adarna o ng fiancé niyang si Derek Ramsay hinggil sa isyung ito. Agad naming ilalabas ang magiging paliwanag ng aktres.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending