Carlos Agassi bumanat sa nagsabing ‘transphobic’ ang kanta niyang ‘Milk Tea’: ‘Happy ending yung song kayo lang gumagawa ng issue’
USAP-USAPAN ngayon sa social media ang bagong kanta ng actor-rapper na si Carlos Agassi na binabatikos ng ilang miyembro ng LGBTQIA+ community.
May mga nagsabing “transphobic” ang rap song ni Carlos na may titulong “Milk Tea” kung saan may double meaning nga ang ilang lyrics na kanyang ginamit.
Isa sa mga matapang nag-react sa nasabing kanta ay ang TV host at Miss Trans Global 2020 na si Mela Habijan na proud member at advocate ng LGBTQIA+ community.
View this post on Instagram
“Pagbaba ng panty, mga mata’y napadilat. ‘Put*ng i*a,’ ako’y napamura sa gulat. Venti ang kanyang milk tea! Sa dami ng binibini, nakabingwit ako ng binabaiiiiihhhh…” ang bahagi ng lyrics ng “Milk Tea” ni Carlos.
In fairness, marami naman ang nagkagusto sa rap song ng hunk actor at sandamakmak din ang sumali sa papromo niya sa Facebook kung saan nagbibigay siya ng cash prize sa mga magla-like, magse-share at magta-tag sa kanyang music video.
Pero as expected nga, marami rin ang nangnega sa kanya.
“KSP! Nagpapansin lang ‘to! Gf lang n’ya nakakaappreciate sa kaniya kasi other than mama n’ya.”
“Napaka-transphobic ng kanta.”
“TRANSPHOBIC KA NA NGA WALA PA SA TONO, PANGIT PA NG BOSES MO KASING PANGIT MO.”
“Anong trip mo?”
“Anong moral lesson nito?”
Sagot naman ni Carlo sa mga haters, “I respect all genders, it’s not my fault that’s your interpretation of the song.
“Pag wala na masabi, puro (panlalait) at kabastusan. It’s a reflection ng pagpapalaki sa ’yo ng magulang mo, nakakahiya ka?
Baka Bet Mo: Carmina game na game sa landian, halikan scene nila ni Michael Agassi sa ‘Widow’s Web’; Direk Jerry may ibinuking
“Pointless straight to the point boom laos, panit, walang talent? Sino ako, wait harap sa salamin (tingnan) mo sarili mo, haters are losers pretending to be winners,” ang depensa pa ni Carlos.
Samantala, isang open letter naman ang ipinost ni Mela sa Twitter at itinag pa si Carlos. Narito ang buong mensahe ng palabang transwoman.
“Dear@amiragassi,
“I understand that you may be trying to revive your showbiz career or at the least, be relevant, but I suggest, do it right!”
“The ingredients to how people bounce back in life: real talent, hard work, charisma, and treating people right. Work on these!
View this post on Instagram
“Because with all due respect, Mr.@amiragassi, setting aside my objective opinion that your song and video are of poor quality, attempting to be funny at the expense of trans women (or what you call ‘binabai na may venting milk tea’) is of low, inhumane standards.
“Only the desperate will make fun of others to make them look good. Nothing beats kindness. I hope and pray, @amiragassi that you start practicing it,” pahayag ni Mela.
Sagot naman ni Carlos sa kanya, wala siyang nakikitang dahilan para tawaging transphobic ang kanta dahil happy ending naman daw ito at nagkatuluyan nga ang transwoman at ang guy sa kuwento.
Hirit pa ni Carlos, “Ako sumikat ikaw laos na di pa sumisikat huhu iyak yarn, hanap kakampi.
“Kung manlaiit kayo lalaitin Din kayo, karma, so Gawin at tratuhin nyo kung paano gusto nyo tratuhin kayo. happy ending song kayo lang gumagawa issue, naramdaman nyo yun its on u, pag sinabi pangit mundo, automatic ikaw yung pangit? Pls stop trying.”
Carlos Agassi nagkadyowa dahil sa ‘dating app’: Nu’ng nakita ko siya, sabi ko, ‘Wow ang ganda niya!’
Carlos Agassi successful ang operasyon sa tuhod: Masakit na, magastos pa
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.