Carlos Agassi successful ang operasyon sa tuhod: Masakit na, magastos pa | Bandera

Carlos Agassi successful ang operasyon sa tuhod: Masakit na, magastos pa

Therese Arceo |September 17,2022
facebook
share this

Carlos Agassi successful ang operasyon sa tuhod: Masakit na, magastos pa

Therese Arceo - September 17, 2022 - 09:29 PM

Carlos Agassi successful ang operasyon sa tuhod: Masakit na, magastos pa
LUBOS na nagpapasalamat ang model-actor na si Carlos Agassi dahil sa matagumpay nitong knee surgery.

Sa kanyang Instagram post nitong Martes, Setyembre 13 ay ibinahagi ng aktor na naging maayos naman ang lahat sa kanyang naging operasyon kalakip ang larawan niya kasama ang non-showbiz girlfriend bago at matapos ang kanyang surgery.

“Just finished a successful surgery. Thank you sa prayers and moral support, my family and friends,” saad ni Carlos.

Dagdag pa niya, “Grabe ang sakit sa katawan at bulsa, iwas accident lang talaga and save up.”

Nagpasalamat si Carlos sa kanyang doktor at kalaro sa basketball at sinabing mukhang magreretiro na siya sa paglalaro at magiging coach at team manager na lamang siya.

Mensahe naman niya sa kanyang girlfriend, “Tnx [Thank you] my love @sarinayamamoto for being my guardian angel, thru this depression and effort of taking care of me, swerte ko. And momskie we love u so much.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Carlos Agassi (@carlosagassi)

Ibinahagi naman ni Carlos sa vlog ng kanyang dyowang si Sarina kung paano sila naghanda sa kanyang knee surgery.

Aniya, kahit labis siyang natatakot at kinakabahan sa pagpapaopera ay pinilit pa rin niya dahil nais niyang muling makatayo at makapaglakad.

Lahad ni Carlos, “Kumbaga, wala akong major operation and circumcision, so bale ito na yun. Takot ako sa doctor, kahit sa mga dentist, kahit na mga kamag-anak ko sila, family friends, takot talaga ako, e.

“And ngayon, operation, excited din ako kasi gusto ko na ulit makalakad, gusto kong madiretso yung tuhod ko. Pero kinakabahan ako. Kahit hindi na basketball, kahit hindi na squats, makalakad lang okay na.”

Naging emosyonal naman si Carlos matapos ang kanyang naging surgery.

Pabirong kuwento niya, “Ang sakit, ang sakit. Pag may kaaway kayo sa tuhod niyo, sipaan at sapakin. Matindi yun, masakit na gastos pa.”

Related Chika:
Carlos Agassi nagkadyowa dahil sa ‘dating app’: Nu’ng nakita ko siya, sabi ko, ‘Wow ang ganda niya!’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Carlos Agassi nagka-freak gym accident: Kukunin ko pa lang ‘yung weights, nadulas na ako

Carlos Agassi nadala na, hindi na makikipagkita sa kung sino-sino

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending