Carlos Agassi nagkadyowa dahil sa 'dating app': Nu'ng nakita ko siya, sabi ko, 'Wow ang ganda niya!' | Bandera

Carlos Agassi nagkadyowa dahil sa ‘dating app’: Nu’ng nakita ko siya, sabi ko, ‘Wow ang ganda niya!’

Ervin Santiago - February 16, 2022 - 02:13 PM

Sarina Yamamoto at Carlos Agassi

TULAD ng ibang mga magdyowa, dahil din sa isang “dating app” kaya nagkaroon ng lovelife ang hunk actor na si Carlos Agassi.

In fairness, two years na silang magkarelasyon ng kanyang non-showbiz girlfriend na si Sarina Yamamoto and going strong pa rin daw ang kanilang pagsasama.

Ibinahagi ni Sarina sa isang episode ng “Bawal Judgemental” sa “Eat Bulaga” na totoong sa isang dating app niya nakilala si Carlos.

“Akala ko talaga noong una poser yung account niya, so nag-swipe right ako para ma-confirm kung legit talaga ‘yung account niya tapos ayun legit naman.

“Lumipat kami sa Instagram and nakita ko na verified ‘yung account niya,” aniya pa.

Nagkita raw sila nang personal ng aktor makalipas ang isang linggong chikahan online at dito nga nila napatunayang totoo ang matandang kasabihang “love at first sight”.

Kuwento naman ni Carlo, “Nu’ng nakita ko siya, sabi ko, ‘Wow ang ganda niya’ tapos when we started talking ang bait niya and then ‘yun parang love at first sight.”

View this post on Instagram

A post shared by Carlos Amir Agassi (@carlosagassi)


Agad din daw nilang binura ang kanilang accounts sa ginamit nilang dating app nang maging official na ang kanilang relasyon. Si Sarina na rin ang daw nagma-manage ng mga application sa cellphone ni Carlos.

Ito naman ang paliwanag ng hunk actor kung bakit gumamit siya ng dating app sa paghahanap ng dyowa, “As a person kasi, ‘di ba ‘yung work natin sa showbiz lagi kang nasa harap ng tao.

“Nasanay ako sa commercials, sa pag-aartista, pagho-host, acting, but ‘yung me talaga na mula grade school hanggang high school loner talaga ako, mahilig ako mag-isa, mahiyain ako, wala akong confidence.

“Naiilang din akong makipag-date kasi siyempre maraming nakatingin sa ‘yo, maraming mga mata, so tinray ko ‘yung app,” pahayag pa ni Carlos.

https://bandera.inquirer.net/280891/online-app-owner-na-malaki-ang-kinikita-sa-negosyo-magpo-produce-na-ng-pelikula

https://bandera.inquirer.net/301388/herlene-budol-3-years-nang-may-karelasyon-na-non-showbiz-nakilala-ko-siya-sa-dating-app

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/293524/aiko-nanawagan-para-sa-mga-delivery-rider-pabayaan-nyo-na-lang-ang-mga-malilit-na-bagay

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending