2 anak ng janitor parehong grumaduate ng Cum Laude sa Ateneo

2 anak ng janitor parehong grumaduate ng Cum Laude sa Ateneo

Pauline del Rosario - July 15, 2023 - 04:38 PM

2 anak ng janitor parehong grumaduate ng Cum Laude sa Ateneo

Magkapatid na sina Riel at Rica Gutierrez na nagtapos ng Cum Laude sa Ateneo/INQUIRER

HINDI hadlang ang kahirapan upang matupad ang mga pangarap sa buhay.

Ito ang ipinakita at pinatunayan ng isang pamilya na kung saan ang dalawang magkapatid na sina Riel at Rica Gutierrez ay parehong nakapagtapos ng pag-aaral sa prestihyosong paaralan na Ateneo de Manila University.

Bukod pa diyan ay pareho silang naging Cum Laude!

Si Riel ay grumaduate noong 2019 sa kursong AB Psychology minor in Education, habang si Rica naman ay nagtapos ngayong taon sa kursong AB Management Economics with a minor in Korean Studies.

Bagamat marami ang humanga sa magkapatid, mas marami ang na-inspire sa kwento ng kanilang mga magulang.

Nakapanayam ng INQUIRER ang magkapatid at dito nga nila naikuwento na ang kanilang magulang ay nagtatrabaho sa Ateneo bilang mga maintenance staff o janitor ng eskwelahan.

“Mas naunang napunta sa Ateneo ang aking tatay. Sa tingin ko, mga ‘90s nandoon na siya,” kwento ni Riel.

Baka Bet Mo: Tourism graduate mula Baguio idinaan sa money cake ang balitang magna cum laude siya

Patuloy pa niya, “Ang ina naman namin ay dating inang may bahay o housewife. And then 2011, pumasok siya sa may Ateneo Residence Hall. Naging maintenance or janitor ang nanay ko mula 2011 hanggang present.”

“Sila ang nagtaguyod ng pag-aaral naming magkakapatid, hindi lang namin ni Rica, pati na rin ‘yung bunso namin na kambal na sina Renzo at Rafael,” aniya pa.

Nabanggit ni Riel na bilang empleyado sa nasabing eskwelahan ang kanilang mga magulang ay ito ang naging dahilan upang sila ay mabigyan ng discount sa tuition fees.

Chika ni Riel, “Mukhang 65% off sa tuition fees. Tuition fees lang ‘yun, so miscellaneous fees hindi kasama doon. ‘Yung 35% remaining for the tuition fee, ‘yung miscellaneous.”

“Mayroong mga kind-hearted parents na siguro natulungan ng tatay ko o alaga ng tatay ko ang mga anak nila na parang nag-GoFundMe sila together to raise money every year to send me to school,” dagdag niya.

Sambit pa ni Riel, “Mahirap mag-aral sa Ateneo ng wala kang resources. Kung wala kang pera, mahirap mag-aral kasi may mga requirements na outside of the tuition, outside of the scholarship na kailangan mong pondohan. So I think ang main problem talaga was financial.”

Mga magulang nina Riel at Rica/INQUIRER

Ayon naman kay Rica, bilang hirap sila sa buhay ay gumagawa rin silang magkakapatid ng paraan upang magkaroon man lang ng extra money o pambaon sa eskwelahan.

“Kinailangan po namin na magtrabaho pagkatapos po ng school,” saad niya.

Paliwanag pa niya, “Nagtitinda po kami ng iskrambol, ng siomai, ng kung ano-ano pa po para lang makatulong sa magulang namin tsaka para lang po may pang baon.”

Sinabi pa ni Rica na ang nagbigay sa kanya ng inspirasyon upang lalong pagbutihin ang kanyang pag-aaral ay ang kanyang mga magulang mismo.

Nais niya raw suklian ang mga paghihirap na ginawa ng kanyang ina at tatay na pinagsikapang maipasok sila sa isang prestihyosong paaralan.

“Siguro ‘yung naging motivation ko simula’t sapul is kumbaga gusto ko pong masuklian ang paghihirap na binibigay po ng mga magulang namin sa kanilang trabaho,” saad ni Rica.

Patuloy niya, “Gusto ko po na parang magkaroon po sila ng komportableng buhay. Kaya parang simula bata pa lamang po, nag-aaral na po ako nang mabuti kasi gusto ko po na makapagtapos sa magandang paaralan, makapagtapos na may honors para kumabaga para sa akin ‘yun po ‘yung balik ko po sa mga magulang ko po.”

Mensahe naman ni Riel, “Sa mga magulang ko, hindi rin sila mapanghangad pagdating sa achievement. So nakita nila ‘yung hirap na dinanas namin. ‘Yung pagpupursigi namin sa pag-aaral.”

“Kaya noong nagtapos ako ng Cum Laude, tapos si Rica nagtapos ng Cum Laude, natuwa sila na parang indescribable ang happiness nila. Kasi parang wala ‘yun sa kanilang dream, wala ‘yun sa inakala nilang mangyayari,” sey niya.

Aniya pa, “Ito ay higit na tagumpay ng magulang namin kaysa sa tagumpay namin bilang anak nila.”

Related Chika:

Janno Gibbs very proud na ipinakilala ang asawa ng anak; Small Laude pak na pak ang akting sa ‘The Flower Sisters’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kara David ibinandera ang pagtatapos ng anak bilang magna cum laude

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending