Sabrina M tinaningan, kailangang maglabas ng public apology kung ayaw kasuhan ng kampo ni Claudine | Bandera

Sabrina M tinaningan, kailangang maglabas ng public apology kung ayaw kasuhan ng kampo ni Claudine

Reggee Bonoan - July 13, 2023 - 05:59 PM

Sabrina M tinaningan, kailangang maglabas ng public apology kung ayaw kasuhan ng kampo ni Claudine
TINANINGAN ni Atty. Ferdinand Topacio ang dating sexy star na si Sabrina M hanggang sa araw ng Linggo, Hulyo 16 para mag-sorry o humingi ito ng public apology sa alinmang talk show na mapapanood ng publiko.

At kung hindi ito ginawa ng dating sexy star ay makakasuhan siya ng libel at cyber libel paniniguro ng nasabing abogado.

Sa panayam kaninang tanghali ni atty. Topacio kina Nanay Cristy Fermin at Romel Chika sa programa nilang “Cristy Ferminute” sa Radyo5 92.3 TRUE FM ay ipinaliwanag nito na imposible ang claim ni Sabrina M na naging karelasyon niya si Rico at aware si Claudine Barretto rito.

“Ang sabi po ng narrative ni Sabrina ay naging sila ni Rico Yan after ni Claudine at itinago nila ito dahil nga siya ay sexy star. After daw ni Claudine ay taon sila (magkarelasyon) pero kung titingnan ‘;yo po ‘yung timeline ng relasyon ng Claudine at Rico Yan, imposible pong naging several years sila, nanay Cristy. Paano naging sila at taon, e, after Claudine ilang buwan lang ay pumanaw na si Rico Yan?,”say ni atty. Topacio.

Naghiwalay sina Corics  [Rico] at Claudine ng December 2001 at namatay naman ang aktor ng Marso 29, 2002.

Baka Bet Mo: Claudine todo-todo ang pasasalamat kay Katrina Paula matapos ilantad ang totoong kuwento kina Rico Yan at Sabrina M

Dagdag pa ng abogado ay nagkahiwalay totally sina Rico at Claudine noong Disyembre 2001 pero napanatili nila ang kanilang pagiging magkaibigan at kung hindi ang sila nag-away ay kasama ang aktres sa Puerto Princesa, Palawan.

Tuloy pa ni atty Topacio, “Pinalalabas po kasi ni Sabrina M na si Rico Yan ay two-timer at alam naman daw ni Claudine, kung alam ito ni Claudine ay napakababa naman ng moralidad ni Claudine na pumapayag siya na dalawa sila sa buhay ni Rico Yan?.”

Hindi raw ganito ang pagkakakilala ng abogado sa kaibigang aktres kaya’t malabo ang claim ni Sabrina at idinamay pa si Claudine.

At dahil dito ay nakadaktang sampahan ng kaso ang dating sexy star kapag hindi siya nag-public apology.

“Tayo naman ay mga Kristiyano at para hindi na lumala ang usapang ito ay mag-sorry siya in public kasi kasiraan ‘yung sinabi niya (Sabrina) in public. Mag-apologize ka na lang Sabrina M since iisang mundo lang ginagalawan natin at ‘wag naman tayong gumamit ng taong wala na rito sa mundo hindi niya maipagtanggol ang sarili niya dahil wala na siya.

“Will give you three days hanggang Linggo Sabrina M, marami namang talk shows please mag-sorry ka na lang kay Claudine, mag sorry ka sa pamilya ni Rico Yan, mag sorry ka sa alaala ni Rico Yan tapusin na natin ito. Otherwise much to our regret ay kailangan po kaming kumilos sa paraang legal,” payo ni atty. Topacio kay Sabrina M.

At kaya naging cyber libel din ay dahil kumalat na ito sa social media.

Bukas ang BANDERA  para sa panig ni Sabrina M.

Related Chika:
Dating sexy star na si Katrina Paula nilaglag si Sabrina M: ‘Walang relasyon na naganap sa kanila ni Rico Yan, baka nagkatikiman lang’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sabrina M puro ‘fake news’ daw ang pinagsasabi tungkol sa love story nila ni Rico Yan; Claudine magdedemanda

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending