Claudine todo-todo ang pasasalamat kay Katrina Paula matapos ilantad ang totoong kuwento kina Rico Yan at Sabrina M | Bandera

Claudine todo-todo ang pasasalamat kay Katrina Paula matapos ilantad ang totoong kuwento kina Rico Yan at Sabrina M

Ervin Santiago - July 13, 2023 - 09:25 AM

NAKATAGPO ng bagong kaibigan ang aktres at celebrity mom na si Claudine Barretto sa katauhan ng dating sexy star na si Katrina Paula.

Todo ang pasasalamat ni Claudine kay Katrina matapos itong lumantad at magsalita tungkol sa rebelasyon ng kapwa niya sexy star na si Sabrina M na may kaugnayan sa namayapang aktor na si Rico Yan.

Ibinandera kasi kamakailan ni Sabrina M sa madlang pipol ang umano’y naging secret love affair nila noon ng namayapang si Rico na tumagal daw ng mahigit isang taon.

Ikina-shock ito ng publiko lalo na ng mga taong malalapit sa aktor, kabilang na ang naging girlfriend niya noon na si Claudine na nagbanta pang kakasuhan si Sabrina M dahil sa mga kasinungalingang ipinagkakalat nito.

Sa gitna ng kontrobersya, nagsalita nga si Katrina Paula na malapit na kaibigan ni Sabrina sa programang “Cristy Ferminute” hosted by Nanay Cristy Fermin.

“’Nay wala! Walang relasyon na naganap sa kanila, baka nagkatikiman sila. Pero ‘yung relasyon hindi ko alam kung saan nanggaling. Kasi ang tagal kong naging kaibigan si Sab, eh,” pambubuking ni Katrina sa kanyang friend.

Saka binanggit ng “CFM” host ang dalawang dekadang kuwento na siya mismo ang nagsulat na magkakasama sina Katrina, Sabrina, Marvin Agustin, Dominic Ochoa at Rico sa Clark noon.

Hindi binanggit ni ‘Nanay Cristy kung sino ang naka-partner ni Katrina at kung naging karelasyon nito ang sinabing businessman na ngayon, “Wala nanay, dala lang ng kabataan mapusok.”

Baka Bet Mo: Sabrina M puro ‘fake news’ daw ang pinagsasabi tungkol sa love story nila ni Rico Yan; Claudine magdedemanda

Tinanong ni Nanay Cristy kung may naganap kina Sabrina at Rico noong panahong magkakasama sila.

“Wala, eh. Paano naman ‘yun ‘Nay, e, nando’n kami. Sobrang bait po ni Rico Yan, sobrang marespeto. Pinatuloy niya kami ro’n (bahay) siya na lang nag-give way para makatulog o makahiga kami sa kama,” paliwanag ni Katrina.

Kasunod nito, nag-post si Claudine sa kanyang Instagram account kung saan todo ang pasasalamat nito sa pagsasalita ni Katrina Paula.

Ibinahagi niya ang litrato nila ng dating sexy star na kalakip ang mensahe niya para rito.

“Appreciation post. I want to thank @realkatrinapaula for telling the TRUTH! Divine intervention gina ni God at Rico. I really found a new friend/sister.

“Thank you so much in behalf ng #rycbforever. I’m happy that this is a start of a new friendship & sisterhood sobra sobrang SALAMAT! for clearing the names of both RICO. #RYCB & #claudiniansforever. #claudinian @realkatrinapaula palanggas pls follow Katrina Paula sa IG @realkatrinapaula pasalamat tayo sa kay Katrina.

“Pls thank her for standing up for Rico’s name pati ako.my Palanggas mag pasalamat tayo,” bahagi pa ng message ni Claudine.

Positibo naman ang mga naging reaksyon ng mga IG followers ng aktres sa kanyang socmed post.

“What a way to celebrate ur bday ms. CLAU.. RY will never allow that you celebrate it with heavy… RYCB forever. We love you. We will defend you no matter what.”

“Buti nlng nareveal ang TRUTH idol @claubarretto sobrang grabe ang ginwa ni Sabrina M n yan to you and also to RY…buti nlng nanjan si Katrina pra magsabi ng totoo ..thank u for that @realkatrinapaula, nalinis ang nadumihan n image ni RY pati nrin ni idol Claudine…Idol @claubarretto no matter what happens we will always be here for you..we stand for you hindi ka nmin iiwan mahal n mahal k nmin.”

“Kaya walang na guilty sa kwento ni sabrina, dahil mas kilala namin ang kwento niyo rycb at walang ni sino ang makakapag bura ng good image niyo sa’min sobrang mahal namin kayo ate clau and kuya ry. thank you sa mabuting puso Ms. @realkatrinapaula salamat po sa lakas ng loob niyo na sabihin ang totoo.”

“Finally. Hindi rin ako Basta naniniwala hinihintay ko talaga ang post mo Ms Clau. RYCB fans here.”

“@realkatrinapaula salamat sa pag clarify ng issue… jusko noon mo payan sinasabi diba  @claubarretto na di totoo yung issue ni sabrina at rico u even confronted rico about this issue b4 kung totoo o hindi at dineny na yan ni rico saiyo.”

“Thank you Po miss @realkatrinapaula sa pag sasabi Ng totoo. We love you @claubarretto andito lang kme palage Sayo Kasama mo kme sa lahat ng laban mo palangga.”

“Ilusyon lang talaga Ni Sabrina M. Mga pinagsasabi nya. Salamat Ms. Katrina sa pagkaclarify ng gawagawang issue.”

Related Chika:

Sabrina M may pasabog, naging dyowa noon si Rico Yan

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Claudine Barretto emosyonal nang muling makita si Dennis Padilla: I miss you, Kuya!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending