Paolo Contis aminadong nagkulang sa mga anak bilang ama: 'Buong buhay kong pagsisisihan yun' | Bandera

Paolo Contis aminadong nagkulang sa mga anak bilang ama: ‘Buong buhay kong pagsisisihan yun’

Ervin Santiago - July 10, 2023 - 03:28 PM

HINDI ipinagkakaila ng Kapuso actor-TV host na si Paolo Contis na talagang napakalaki ng pagkukulang niya sa kanyang mga anak.

Alam ng isa sa mga pangunahing host ng Kapuso noontime show na “Eat Bulaga” na may mga nagawa siyang pagkakamali in the past at totoong may mga hindi siya nagawa bilang tatay sa kanyang mga anak kina Lian Paz at LJ Reyes.

Yan ang inamin ni Paolo sa interview sa kanya ng talent manager at content creator na si Ogie Diaz na mapapanood sa YouTube vlog nito.

Sey ni Paolo, naging “collateral damage”  ang mga anak sa mga naging sablay at pagkakamaling nagawa niya nitong mga nagdaang taon.

Sa totoo lang daw, sobrang miss na miss na raw niya ang mga anak at kahit hindi maniwala ang ibang tao, nangungulila rin siya sa pagkawalay ng mga bata sa kanyang piling.

“It’s just really sad na naging collateral damage sila sa mga kamalian ko. Kung meron akong regret, yun yung mga oras na nawala, for me, buong buhay ko yung pagsisisihan,” rebelasyon ni Paolo.

Baka Bet Mo: Cristy Fermin never pinersonal si Paolo Contis, walang galit kay Lolit Solis: ‘Bahagi ka lagi ng mga panalangin ko’

“But more than anything, ang isang fear ko is that I will never get the opportunity to actually talk to them.

“I will never ever enter their lives para manggulo. Just to have a decent conversation, that’s all I’m asking,” pahayag pa ng TV host-actor.

Wish din ni Paolo, sana raw ay maka-move on na rin ang mga bashers at haters niya dahil lahat ng taong involved sa issue ay maka-move on na at masayang-masaya na sa kani-kanilang buhay.

Sa huling pagayag ni Lian Paz, gusto na raw nitong papalitan ang apelyidong “Contis” na dala-dala pa rin ngayon ng mga anak niya kay Paolo.

Si LJ naman ay sa Amerika na naninirahan kasama ang mga anak na sina Aki at Summer. Engaged na rin siya sa kanyang fiancé na si Philip Evangelista.

Related Chika:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ken laging may kasamang psychiatrist sa taping: Alam kong hindi magiging madali

Matteo ready nang maging daddy sa magiging baby nila ni Sarah: ‘By the end of the year, pag-pray natin na makabuo na’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending