Cristine nag-alala nang bongga matapos isugod sa ospital ang ama: ‘Namaga ang mata ko, tuloy hindi matakpan ng make-up sa taping’
MARAMING na-touch sa naging mensahe ng aktres na si Cristine Reyes para sa kanyang ama na isinugod sa ospital kamakailan.
Ibinahagi ni Cristine sa pamamagitan ng kanyang Instagram account last July 4 ang pagkakaospital ng adoptive father niyang si Romeo Reyes kalakip ang litrato nila together.
Kuha iyon sa loob ng isang hospital room kung saan naka-confine ang kanyang pinakamamahal na tatay. Sa caption, nagbahagi pa si Cristine ng Bible verse.
“‘The righteous man walks in his integrity; His children are blessed after them’ – Proverbs 20:7,” aniya sa simula ng kanyang mensahe.
View this post on Instagram
“I know I am blessed because of you, Daddy. You raised me well. Sorry kung masyado akong busy, Daddy. You know I’m always here for life. Mahal kita,” ang bahagi pa ng caption ng girlfriend ni Marco Gumabao sa picture nila ng ama.
Ayon pa kay Cristine, nasa taping daw siya nang mabalitaang dinala sa ospital si Ginoong Romeo kaya naman talagang inatake siya ng matinding nerbiyos at takot.
Baka Bet Mo: Marco Gumabao ibinandera na ang relasyon nila ni Cristine Reyes: ‘You are my home and my adventure all at once’
“Pinag-alala mo ko. Namaga mata ko tuloy hindi matakpan ng make-up sa taping. Salamat sa mababait na mga kasama ko sa taping at inalagaan din nila ako ng walang pagtatanong,” pahayag pa ng premyadong aktres.
Hindi naman nabanggit ni Cristine sa kanyang post kung ano ang dahilan ng pagkaka-confine ng tatay niya, pero base sa kanyang post, nasa World Citi Medical Center sa Quezon City si G. Romeo.
Wala pa ring update na ipino-post ang aktres hinggil sa estado ng kalusugan ng kanyang tatay.
Samantala, kung hindi kami nagkakamali tinatapos ngayon ni Cristine ang bago niyang teleserye sa TV5, ang “Minsan Pa Nating Hagkan Ang Nakaraan” kung saan makakasama niya ang dyowang si Marco at si Cesar Montano.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.