Cristine Reyes emosyonal sa 1st death anniversary ng ama

Cristine Reyes emosyonal sa 1st death anniversary ng ama: Hindi ka nawawala sa isip at puso ko…

Pauline del Rosario |June 01,2023
facebook
share this

Cristine Reyes emosyonal sa 1st death anniversary ng ama: Hindi ka nawawala sa isip at puso ko…

Pauline del Rosario - June 01, 2023 - 03:00 PM

Cristine Reyes emosyonal sa 1st death anniversary ng ama: Hindi ka nawawala sa isip at puso ko…

PHOTO: Instagram/@christinereyes

NAGBAHAGI ng mensahe ang aktres na si Cristine Reyes para sa first death anniversary ng kanyang pinakamamahal na tatay na si Papa Mudz.

Bagamat nalulungkot siya na wala na ang kanyang ama ay masaya naman daw siya dahil alam niyang binabantayan daw siya nito.

Saad niya sa Instagram post kalakip ang isang emosyonal na video, “Palagi ako tumitingala sa langit, kasi alam ko andyan ka nagbabantay samin.”

Dagdag niya, “Happy ako kasama mo na si Papa Jesus. Dalawa na kayo nagbabantay samin ni Amarah.”

Nagpahayag din ang aktres ng kanyang pasasalamat sa yumaong ama.

“Hindi ka nawawala sa isip at puso ko. Alam kong alam mo ‘yun. Salamat kahit huli na ang lahat, tinuruan mo ako ng maraming bagay sa buhay lalong lalo na ‘nung mawala ka samin dito sa mundong ito,” sey niya.

Ani pa niya, “Maraming bagay na hindi maiintindihan ng makamundong tao ang aral na pinamana mo sakin at dadalin ko ‘yun habang buhay.”

“Magkikita pa tayo muli, Papa Mudz,” lahad ng aktres.

Baka Bet Mo: Cristine inakalang hindi na makakabalik sa showbiz matapos unahin ang pamilya: ‘Nawala ang lahat sa akin at napakahirap nu’n’

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Libo-libong netizens naman ang nagpaabot ng kanilang pakikiramay at marami pang nakapansin na tila kahawig ni Cristine ang kanyang ama.

Narito ang ilan sa mga nabasa namin sa comment section:

“Carbon copy ikaw sa daddy mo, lalo na ang mata niya [red heart emoji] condolences [folded hands emoji].”

“You have the same smile! Be Strong! [folded hands emojis].”

“Ang pogi ng dad mo, kahawig mo siya [red heart emoji] Giving you a big hug Ms. Cristine!”

Kamakailan lang ay naging hot topic sa social media si Cristine matapos ibinandera ng kanyang boyfriend na aktor na si Marco Gumabao ang tunay nilang relasyon.

Related Chika:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Marco tanggap ang pagiging single mom ni Cristine: ‘She’s very wife material, sobrang bait at walang arte’

Marco Gumabao nagsalita na sa tunay na relasyon nila ni Cristine Reyes: ‘Click kami in terms of mga trip sa buhay, sa ugali namin’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending