Birthday hugot ni Sunshine Dizon: ‘Bilog ang mundo, matutong sumabay sa agos ng buhay…ang importante wala kang tinapakan at niyurakan’
“PILIIN at kilalaning mabuti ang mga kaibigan at mga taong pinagkakatiwalaan para hindi matuklaw ng ahas at magsisi sa huli.”
Yan ang isa sa mga life lesson na natutunan ng aktres na si Sunshine Dizon sa kanyang buhay matapos dumaan sa ilang pagsubok at kontrobersya nitong mga nagdaang buwan.
Sa pagdiriwang ni Sunshine ng kanyang 40th birthday kahapon, July 3, napakarami raw niyang realizations sa buhay. Pangako niya sa sarili sa bagong yugto ng kanyang buhay, mas magiging matalino at wais na siya this time.
“So as they say, life begins at forty. Guess [I] will be doing that starting now. Thank you for all the love and support.
“Promise that no matter how others may have painted a different picture of me, I will always strive to be a better human being in spite of and despite of,” ang bahagi ng inilagay niyang caption sa kanyang Instagram photo.
View this post on Instagram
Sa kabila raw ng mga ginawang pangenenega sa kanya at sa pagkawala ng mga taong pinagkatiwalaan at inakala niyang mga kaibigan nananatili pa rin ang kanyang paninindigan at katapangan sa pagharap sa mga pagsubok.
Baka Bet Mo: Janella Salvador pak na pak ang costume bilang Valentina, pero may bonggang pasabog pa raw para sa mga ‘Vadengs’
“Bilog ang mundo, minsan sa taas minsan sa baba. Matutong sumabay sa agos ng buhay. Importante wala kang tinapakan at niyurakan.
“Now that I’m 40, the best thing I learned from life is choose your friends wisely and who you allow to come in your circle cause you never know when you’re actually raising a snake you treat as more than a family but will eventually swallow you whole,” aniya pa.
“Ask (why) I can still smile? Because I’m blessed. You can never put a good woman down,” dugtong pa ng aktres.
Matatandaang kinasuhan ng estafa ang aktres at ang kanyang business associate na si Jonathan Rubic Dy.
Inireklamo ang dalawa nina Rogelio Fonacier at Benedicto Padua na diumano’y nag-invest ng tig-P5 million sa dalawa para sa online sabong business.
Lauren Dyogi sa mga umalis ng ABS-CBN: Let’s not burn bridges, bilog ang mundo…
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.