Janella Salvador nagdala ng ahas sa presscon ng Darna: Gusto kong tumatak muli sa publiko si Valentina | Bandera

Janella Salvador nagdala ng ahas sa presscon ng Darna: Gusto kong tumatak muli sa publiko si Valentina

Ervin Santiago |August 09,2022
facebook
share this

Janella Salvador nagdala ng ahas sa presscon ng Darna: Gusto kong tumatak muli sa publiko si Valentina

Ervin Santiago - August 09, 2022 - 12:00 PM

Janella Salvador

GINULAT ni Janella Salvador ang members ng entertainment media nang dumating sa grand mediacon ng “Mars Ravelo’s Darna” na may  dalang ahas sa Dolphy Theater.

May ilang nagsigawan nang makita ang nakapulupot at gumagalaw na ahas sa braso ng aktres at celebrity mom bilang bahagi nga ng kanyang OOTD as Valentina, ang babaeng ahas na mortal na kalaban ni Darna.

Kahit nga ang nagsilbing host sa red carpet media launch ng bagong ABS-CBN series na si Eric John Salut ay napatili nang rumampa na si Janella with an all-black, figure-hugging outfit, channeling her serpent-haired character Valentina.

Habang pinipiktyuran ng mga reporters at vloggers, nilaru-laro at hinaplos-haplos pa ni Janella ang ahas at nagkunwaring hahalikan pa ito sabay halakhak ala-Valentina.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Janella Salvador (@superjanella)


Nang nasa stage na ang aktres, sinabi niyang pinauwi na niya ang kanyang pet snake kaya kumalma na ang mga colleague at kaibigan natin sa press na takot na takot sa mga ahas.

Ayon kay Janella, grabe rin ang “pressure” na nararamdaman niya sa pagganap bilang Valentina lalo pa’t halos lahat ng nag-portray ng nasabing role ay nagmarka sa manonood tulad nina Celia Rodriguez, Pilar Pilapil, Pilita Corrales at Alessandra de Rossi.

“We all know how iconic the role of Valentina is. Knowing that the previous Valentinas were all so amazing and the character became iconic because of the way they portrayed it, of course I want to make it my own. At the same time, gusto ko tumatak siya. Nandoon ‘yung pressure,” pahayag ng aktres.

Sa bagong version ng “Darna” na pagbibidahan ni Jane de Leon na siyang naatasang mangalaga sa mahiwagang bato ng Pinay superhero, gagampanan din ni Janella ang human alter ego ni Valentina na si Regina.

Isa siyang lawyer at vlogger na magiging kaibigan at kakampinni Narda (Jane) sa pagtulong sa mga naaapi. Sila rin ang magiging mortal na magkalaban bilang Valentina at Darna.

“Aside from the fact that it’s physically draining, it’s actually a very complex character. It’s quite difficult to act as her. It’s emotionally draining as well,” sey ni Janella.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mapapanood na ang “Mars Ravelo’s Darna” simula sa darating na Lunes, August 15, sa direksyon nina Chito Roño, Avel Sunpongco at Benedict Mique.

Janella nag-alinlangang tanggapin ang Valentina role: Is this really for me?

Janella sanay na sanay humawak ng ahas, ipinakilala ang alagang si Versace: Meet my baby girl!

Joshua Garcia pumayag agad sa topless scene sa ‘Darna’: Why not…hindi naman siya sobrang laswa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending