Sunshine Dizon nahaharap sa kasong estafa | Bandera

Sunshine Dizon nahaharap sa kasong estafa

Therese Arceo - May 17, 2023 - 03:08 PM

Sunshine Dizon nahaharap sa kasong estafa

KINASUHAN ng estafa ang aktres na si Sunshine Dizon maging ang kanyang business associate na si Jonathan Rubic Dy.

Inireklamo ang dalawa nina Rogelio Fonacier at Benedicto Padua na diumano’y nag-invest ng tig-P5 million sa dalawa para sa online sabong business.

Ayon sa salaysay ng mga nagrereklamo, kakilala ng misis ni Rogelio si John Balon na siyang naging dahilan para makilala nila sina Sunshine at Jonathan.

Dagdag pa nila, dumayo pa sa kanilang bahay sa Camarines Norte noong February 17, 2022.

Inilahad pa raw noon ni Sunshine na pagkatapos ng 2022 elections sy itatalaga siya bilang tourism ambassadress ng lugar habang ipinakilala naman daw ni Balon bilang nag-iisang “franchisee” ng online sabong express sa Camarines Norte si Jonathan.

Offer daw ng dalawa sa mga complainants na maaaring maging “sole capitalist” ang mga ito ng lahat ng betting stations para sa Online Sabong Express sa kanilang lugar.

Gumawa pa nga raw sila ng iba’t ibang GCash accounts para sa betting stations sa Camarines Norte.

Baka Bet Mo: Sunshine Dizon sa yumaong ama: No matter how old I get, I will always be your little girl!

Nang maibigay na nila ang P10 million ay sinabihan raw silang bibigyan ng “mother account” kung saan ma-aaccess nila ang GCash accounts ng betting stations at dito rin nila mamo-monitor ang lahat ng mga financial transactions sa online sabong.

Sabi pa raw nina Sunshine at Jonathan na tanging sila lang dalawa ang may access sa “mother account” at doon rin daw nila makukuha ang “two percent profit per month.”

Ngunit matapos nilang maibigay ang P10 million investment noong February 24, 2022 ay hindi raw tumupad sa usapan ang dalawa.

Base sa resolusyon ng Provincial Prosecution Service sa Daet, Camarines Norte, nagkakahalagang P66,000 kada isa ang bail na ipinataw kina Sunshine at Jonathan.

Bukod rito ay may dalawa pag hiwalay na kaso ang isinampa kay Jonathan para sa dalawang tumalbog na tsekeng inisyu niya at nagkakahalagang P240,000 ang ipinataw na bail para rito.

Bukas naman ang BANDERA para sa pahayag nina Sunshine at Jonathan hinggil sa isyung ito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Sunshine Dizon inaming maraming ‘regrets’ sa buhay, nag-open up sa pagkakaroon ng depression

Basher na kumontra sa pagbabalik ni Sunshine Dizon sa GMA supalpal: ‘Wag kuda nang kuda, ‘wag masyadong nagmamarunong’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending