Sunshine Dizon inaming maraming ‘regrets’ sa buhay, nag-open up sa pagkakaroon ng depression
INAMIN ng aktres na si Sunshine Dizon na sa kasalukuyan ay may pinagdaraanan siya sa kanyang mental health.
Sa kanyang Instagram post ay ibinahagi ng magaling na aktres na na-diagnose siya ng PTSD o post-traumatic stress disorder at iba pang mental health conditions.
“And since im here alone feeling overwhelmed guess its time to admit what I’ve been going through recently. Diagnosed with PTSD, Depression, Panic attacks, Abandonement issues and thats just skimming the surface,” lahad ni Sunshine.
Ibinahagi rin niya ang iba’t ibang mga gamot na kanyang tine-take upang makatulong sa kanyang kondisyon gaya xanor, jovia, revotril, at stilnox.
Pagpapatuloy pa ni Sunshine, “You may ask why now? Only because i want to free myself from the stigma.
“There’s nothing wrong to ask for help. I know it’s very hard to get stuck in your head.”
Ani Sunshine, bagamat mahirap ay alam niya at naniniwala siyang makakayanan niyang i-overcome ang kanyang pinagdaraanan.
“But we can do it, baby steps. One day at a time,” sey pa niya.
Marami naman sa kanyang mga kaibigan sa insustriya ang nagpaabot ng pagmamahal at pagsuporta kay Sunshine.
“Oh no, Ate Shine… I’m so sorry to hear this… YOU ARE NOT ALONE,” comment ni Carla Abellana.
Saad naman ni Danica Sotto-Pingris, “Hi Marey! Praying for you and believing for your healing. Andito lang ako. Stay strong.”
View this post on Instagram
“Ga, andito kami. Maraming nagmamahal sayo,” sey naman ni Iza Calzado.
Sa hiwalay na post naman ay makikitang tila nasa hospital room si Sunshine at kasalukuyang may sakit atvumaasang hindi COVID-19 ang tumama sa kanya.
Tila naging oras nga ang kanyang pagkaka-confine at pagkakasakit para magnilay-nilay at magbalik tanaw sa kanyang mga naging desisyon sa buhay.
Paglilinaw ni Sunshine, hindi ito patungkol sa trabaho kundi sa kanyang personal life choices.
“Realizations, some people will love you enough to move mountains just to be with you, and some will have lame excuses because you are not and will never be their priority.
“Im turning 40 next year i have so many regrets but, i don’t know how to go back to where i used to be, this not about work this about life altering decisions,” pagkukwento ni Sunshine.
At habang mag-isa nga siya at nakahiga sa kanyang hospital ned ay napapatanong siya sa kanyang sarili.
“I ask my self was it all really worth it? Im may never now the answers but i pray to god that i can let go of all my baggages, hurt and guilt,” sey ni Sunshine.
Hindi man niya direktang sinabi kung ano nga ba ang kanyang pinagdaraanan ngunit umaasa siya na darating ang panahon male-let go niya ang mga ito.
Related Chika:
Sunshine Kapamilya na; bibida sa ‘Marry Me, Marry You’ kasama ang 2 pang dating Kapuso
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.