John Arcilla ginulat ang mga adik na adik sa 'Dirty Linen': 'Sabi na nga ba hindi ka papatayin, eh!' | Bandera

John Arcilla ginulat ang mga adik na adik sa ‘Dirty Linen’: ‘Sabi na nga ba hindi ka papatayin, eh!’

Alex Brosas |July 03,2023
facebook
share this

John Arcilla ginulat ang mga adik na adik sa ‘Dirty Linen’: ‘Sabi na nga ba hindi ka papatayin, eh!’

Alex Brosas - July 03, 2023 - 07:07 AM

John Arcilla ginulat ang mga adik na adik sa 'Dirty Linen': 'Sabi na nga ba hindi ka papatayin, eh!'

John Arcilla

MARAMI ang ginulat sa episode last week nang mabuhay ang Carlos Fiero character ni John Arcilla sa “Dirty Linen”.

Although marami ang nag-expect ng kanyang pagbabalik sa nasabing teleserye, marami pa rin ang na-surprise lalo na’t pinalabas sa show na patay na ang kanyang character.

Hindi nga ba’t nagkaroon pa ng lamay at libing dahil patay na siya supposedly?

Anyway, lumabas na nga last Friday na buhay pa ang Carlos character ni John kaya naman muling nabuhay ang kanyang avid fans.  It was a most welcome news sa kanila.

Sa Instagram video ni John kung saan ipinakita ang kanyang pagbabalik sa “Dirty Linen”, grabe ang welcome reaction ng kanyang mga fans.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by JOHN ARCILLA Official (@johnarcilla)


Walang pagsidlang ang kanilang tuwa dahil muli nilang masisilayan ang magaling at premyadong actor.

Nagkatotoo ang maraming nagsabi na “sabi ko na nga ba, eh, hindi pa patay si Carlos.”

“Sabi ko na nga ba eh, hinding hindi ka papatayin sa kwento. Wahahahaha (evil laugh) Wooh ganda talaga GODDAMITTT!!!!”

“Exciting na uli manood ng Dirty Linen @johnarcilla. Salamat sa “brilyante ng apoy!”

Baka Bet Mo: Angeline Quinto proud na ibinandera ang dyowa at ama ng kanyang baby

“Solid men. kahit yun mga viewers hindi papayag na sa sunog lang mamatay si carlos.. buti buhay pa. looking forward sa next episodes.”

“Sana buhay rin si Olivia para kayo nalang endgame, hayaan niyo na pong lumayag ang leolga namin pls lang.”

“Sabi na nga ba e – i kept my silence kasi hindi talaga ako naniwala na ganun lang mawawala ang isang Carlos Fiero #BabangonAkoAtDuduruginKita feels.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by JOHN ARCILLA Official (@johnarcilla)


“Sabi ko na nga ba hindi pa patay yung character mo. Excited to see you back.”

“Gaddemit! Buhay ka omg. Isa talaga to sa inaabangan ko eh i super duper love your character.”

“Napatalon ako kagabi nung nanood ako at nakita ko dumilat si Carlos Fiero.”

“Alam talaga namin na buhay ka Carlos, wag kami, d mo kami maiiscam.”

“Yes idol Ang nagbabalik hintayin at abangan Ang Galit ni Carlos fiero. makikita na nman ba Ang Galit at maririnig Ang goddamiitt!!”

Ngayong nagbabalik na ang Carlos character ni John sa “Dirty Linen”, tiyak na matataranta ang magdyowang sina Leona (Janice de Belen) at  Atty. Olga (Andrea del Rosario).

John Arcilla ‘pumanaw’ na sa ‘Dirty Linen’, sigaw ng netizens: ‘GAADDAAAMMIIITT’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Dating Director dinedma-dedma ng dyowang baguhang aktres, may iba palang karelasyon; Janine, Zanjoe ikinasal na sa ‘Dirty Linen’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending