Maegan Aguilar naglabas ng sama ng loob: Hindi man lang nila inalam, muntik akong ma-gang rape at ilibing ng buhay ang asawa ko | Bandera

Maegan Aguilar naglabas ng sama ng loob: Hindi man lang nila inalam, muntik akong ma-gang rape at ilibing ng buhay ang asawa ko

Ervin Santiago |March 05,2023
facebook
share this

Maegan Aguilar naglabas ng sama ng loob: Hindi man lang nila inalam, muntik akong ma-gang rape at ilibing ng buhay ang asawa ko

Ervin Santiago - March 05, 2023 - 01:33 PM

NGANGA ang singer na si Maegan Aguilar matapos bawiin ni Sen. Raffy Tulfo ang pangakong tulong dahil napatunayang hanggang ngayon ay gumagamit pa rin ito ng ilegal na droga.

Sumama ang loob ng anak ng OPM legend na Freddie Aguilar sa senador dahil hindi na nito itutuloy ang tulong pinansiyal at pangakong bahay para pansamantala nilang tirhan ng kanyang pamilya.

Nagpositibo sa paggamit ng droga ang anak ni Ka Freddie at napatunayang ilang beses siyang nagsinungaling kay Sen. Raffy noong interbyuhin niya ito sa kanyang programa.

Payo ng senador at  host ng “Raffy Tulfo in Action” kay Maegan, magpa-rehab muna ito at kapag  maayos na uli ang kanyang kundisyon ay saka sila mag-usap uli.

Kasunod nito, nagsagawa nga ng Facebook Live si Maegan habang naglalakad sa kalye. Dito tila nagbantang tatalon ang singer mula sa isang building dahil sa matinding sama ng loob at pagkadismaya.

Nag-post din si Maegan ng mensahe para kay Sen. Raffy, “‘SAY NO TO DRUGS’ ‘MABABAW ANG DAHILAN’ ni hindi man lang inalam ang ‘root cause’ ‘ika nga nung Dr. Villaroma.

“Ni hindi inalam na ang other options that time was ma-gang rape ako at ilibing ng buhay ang asawa ko, kung hindi kami makiki-hits sa kanila.

“Ilang beses ko din bang sasabihin na madalas strangers ang tumutulong sa amin at hindi palaging ok na sitwasyon ang dinadatnan namin,” simulang pahayag ni Maegan sa kanyang FB page.

“Inamin ko na nga ang nangyari, ako pa ang lumabas na sinungaling at mababaw sa huli.

“Sa akin lang talaga ito nangyayari, nagsasabi na nga ako kung paano ako napahamak o mapapahamak, kung paano ako muntik magahasa AKO PA MASAMA,” sentimyento pa ni Maegan.

Ngunit makalipas ang ilang oras, muli siyang nag-post sa Facebook ay parang nag-iba na ang kanyang tono, “Salamat Lord! Nailabas ko na lahat ng sama ng loob ko at ramdam kong naging mas matatag pa ako ngayon.

“Ang bilis namang dumating ng milagro ninyo sa buhay ko, AMEEN. Salamat at nakakahinga na ako ulit ng maluwag,” aniya pa.

Habang sinusulat namin ang balitang ito ay wala pang inilalabas na reaksiyon o official statement si Sen. Tulfo.

Related chika:

Maegan Aguilar nagpositibo sa drug test, inalok na ipa-rehab ni Raffy Tulfo

Maegan hindi pa rin nakikipagbati kay Ka Freddie; sumali sa ‘Bida Next’ ng ‘EB’ para sa panganay na anak: Don’t forget me…

Maegan Aguilar sumailalim sa hair follicle drug test: I pray na talagang this proves everything and clears my name

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending