Billy Crawford umaming si Chito Miranda ang kinatatakutan sa mga coach ng 'The Voice Generations': 'I've always been a fan' | Bandera

Billy Crawford umaming si Chito Miranda ang kinatatakutan sa mga coach ng ‘The Voice Generations’: ‘I’ve always been a fan’

Ervin Santiago - July 02, 2023 - 09:44 AM

KINATATAKUTAN ni Billy Crawford ang OPM icon at Parokya ni Edgar vocalist na si Chito Miranda.

Diretsong inamin ng singer-actor at TV host na sa lahat ng mga kasamahan niya bilang coach sa “The Voice Generations” ay kay Chito siya pinaka-threatened.

Natanong kasi ang asawa ng aktres na si Coleen Garcia sa guesting niya sa “Fast Talk with Boy Abunda” last Friday, June 30, kung sino sa mga kapwa coach niya sa “The Voice Generations” na sina Chito, Julie Anne San Jose at Stell, ang kinatatakutan niya.

Mabilis na isinagot ni Billy ang pangalan ni Chito. Follow-up question ni Tito Boy, “Bakit si Chito ang binabantayan mo?”

“E, siya ‘yung pinaka-experienced sa aming lahat and you know what, I’ve always been a fan and ‘yun ‘yung dapat mong kinatatakutan, ‘yung hinahangaan mo.”

Baka Bet Mo: Billy pumapasok noon sa ‘It’s Showtime’ nang lasing; muntik nang hindi matuloy ang kasal nila ni Coleen

Um-agree naman sa kanya ang award-winning veteran host sabay-sabing, “Malalim at ang hirap basahin.”

Hirit namang biro ni Billy sa singer-composer, “Yes. Well, nababasa kita Chito, nababasa kita. Alam ko kung saan ka nakatira at kilala ko ang pamilya mo.”

Bukod sa pagiging talentadong singer at songwriter, saludo rin si Billy sa kabaitan ni Chito bilang tao. Marespeto rin daw ito sa kanyang mga kapwa artists at katrabaho.

“Pero what I love about Chito, sa totoo lang, is he is a kid at heart, super down to earth. He is the walking man of humility ika nga but super successful,” papuri ni Billy kay Chito.

Sa simula ng naturang talent search, mamimili ang mga coach sa mga sasabak sa audition na sa tingin nila ay may laban para manalong grand winner.

Kapag kumpleto na ang kanilang mga koponan, ang bawat grupo ay dadaan sa knock-out at sing-offs para maging kauna-unahang “The Voice Generations” champion sa Asia.

Ang isang grupo ay maaaring may dalawa o higit pang miyembro at dapat ay 7 taong gulang pataas mula sa magkaibang henerasyon, na may hindi bababa sa 2 miyembro na may 10 taong age gap.

Gayundin, ang mga miyembro ay dapat magkaroon ng isang tunay na relasyon sa isa’t isa.

Dapat maghanda ang mga nagpa-planong sumali ng dalawang video clip at ang bawat video ay hindi dapat higit sa 10MB. Hindi rin ito dapat lumampas sa 1 minuto at 30 segundo bawat isa.

Related Chika:

Iwa Moto hinarap na ang kinatatakutan; nakararanas pa rin ng panic attacks

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

SB19 bidang-bida sa Korean docu, Pinoy fans super proud: ‘Our national pride!’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending