Pamatay na banat ni Chito kay Neri: 'Hino-holding hands n'ya ko, tapos nagki-kiss kami, tapos patay na patay din s'ya sa akin...nakakakilig!' | Bandera

Pamatay na banat ni Chito kay Neri: ‘Hino-holding hands n’ya ko, tapos nagki-kiss kami, tapos patay na patay din s’ya sa akin…nakakakilig!’

Ervin Santiago |June 08,2023
facebook
share this

Pamatay na banat ni Chito kay Neri: ‘Hino-holding hands n’ya ko, tapos nagki-kiss kami, tapos patay na patay din s’ya sa akin…nakakakilig!’

Ervin Santiago - June 08, 2023 - 05:47 AM

Pamatay na banat ni Chito kay Neri: 'Hino-holding hands n'ya ko, tapos nagki-kiss kami, tapos patay na patay din s'ya sa akin...nakakakilig!'

Neri Miranda at Chito Miranda

GANDANG-GANDA pa rin ang OPM icon na si Chito Miranda sa kanyang wais na misis na si Neri Miranda makalipas ang ilang taong pagsasama bilang mag-asawa.

Muling pinakilig ng Parokya ni Edgar frontman ang kanyang mga fans at social media followers sa bagong paandar niyang post sa Instagram para kay Neri.

Ibinahagi ni Chito ang pinagdikit na throwback photos nila ni Neri sa IG na kuha noong mga teenager pa lang sila at hindi pa magkakilala.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Chito Miranda (@chitomirandajr)


Aniya sa caption, “Eto kami ni Neri nu’ng 13 kami.

“2nd year sya nyan sa St.Louis, habang Grade 7 naman ako sa Ateneo.

“Napakaganda nyaaa!!!” ang pagmamalaki pa ni Neri sa kanyang pinakamamahal na asawa.

Baka Bet Mo: Darryl Yap: Itong mga Kakampink na ito, nangarap na naman na makaka-points sa akin

Dugtong pang chika ni Chito about his wifey, “Siyempre, hindi kami magka-age (20 na ko nung 13 pa lang sya) pero kinikilig ako isipin na paano kaya kung 13 kami pareho.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Chito Miranda (@chitomirandajr)


“Tapos girlfriend ko na sya nu’ng time na yan, tapos hino-holding hands nya ko, tapos nagki-kiss kami, tapos patay na patay din sya sa akin…haaay nakakakilig!!!

“Tapos katabi ko sya ngayon, kasal at may pamilya na, masaya at tahimik na nabubuhay sa probinsya…tapos in lab na in lab pa rin sya sa akin, tapos ang ganda ganda nya pa rin.

“Ay, sorry…totoo na pala yung part na yun,” ang hirit pang chika ni Chito.

Ruru tandang-tanda pa nang unang makita si Bianca sa school: Grade 5 lang ako noon, gandang-ganda na ako sa kanya

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Neri gwapung-gwapo kay Chito: Para sa akin, tinalo niya si Richard Gutierrez at Papa P!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending