Ruru tandang-tanda pa nang unang makita si Bianca sa school: Grade 5 lang ako noon, gandang-ganda na ako sa kanya Bandera

Ruru tandang-tanda pa nang unang makita si Bianca sa school: Grade 5 lang ako noon, gandang-ganda na ako sa kanya

Ervin Santiago |June 29,2022
share this

Ruru tandang-tanda pa nang unang makita si Bianca sa school: Grade 5 lang ako noon, gandang-ganda na ako sa kanya

Ervin Santiago June 29, 2022 - 06:38 AM

Ruru Madrid at Bianca Umali

HINDI pa nag-aartista ang Kapuso hunk na si Ruru Madrid ay nakita na niya nang personal ang rumored girlfriend niyang si Bianca Umali.

Tandang-tanda pa raw niya yung araw nang ma-meet niya upclose and personal ang Kapuso actress at singer at talaga raw gandang-ganda na siya noon pa sa dalaga.

Kuwento ng “Lolong” lead star sa “Updated with Nelson Canlas” podcast, kung hindi siya nagkakamali, 11 years old siya nang unang masilayan ang kagandahan at kaakit-akit na mukha ni Bianca.

Nasa elementarya (Grade 5) pa raw siya noong makita niya si Bianca, “So yung Tropang Potchi (kiddie show) nagpunta sa school namin and then nakita ko si Bianca.

“Kasi siguro si Bianca noon mga 9 years old pa lang kasi Grade 5 lang ako noon, e. So mga 11 years old pa lang ako noon, gandang-ganda na ako sa kanya,” pagbabalik-tanaw ni Ruru.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ruru Madrid (@rurumadrid8)


Fast forward: muli nga silang nagkita nang maging artista na siya at maging bahagi ng GMA Artist Center (Sparkle na ngayon).

Pero inamin ng tinaguriang Kapuso Action-Drama Prince na hindi talaga niya nakita o na-imagine na maging dyowa ang aktres dahil feeling niya napakabata nito para sa kanya.

At nagbago nga ang lahat nang magkasama at magkatrabaho sila sa dating weekly musical show ng GMA 7 na “Sunday PinaSaya.” Dito raw niya mas nakilala ang ugali at personalidad ni Bianca.

“Nagkausap kami doon. And then one night parang GMA party yata ‘yon, I was there nakapag-usap kami nagkaroon kami ng malalim na conversation.

“I didn’t expect kasi lagi ko siyang nakikita bilang isang nakakabatang kapatid, eh,” lahad pa ng hunk actor.

At mula nga noon, mas na-appreciate niya ang Kapuso actress at napatunayang hindi lang ito maganda sa panlabas kundi pati na rin ang kanyang kalooban.

Samantala, bonggang-bongga naman talaga ang mga promo ng adventure-serye ng GMA na “Lolong.”

Bukod sa patuloy ang pagdami ng views ng full trailer ng serye, nitong weekend lang ay naging viral naman ang pagrampa ng 22-footer na si Dakila sa Antipolo, Marikina, Pasig, at ilan pang bahagi ng Metro Manila.

Pinagkaguluhan kasi ang isang malaking buwaya na nakasakay sa isang truck habang nakatali at nakapiring.

Mabilis itong nag-viral matapos mag-upload ng videos at photos ang mga motorista at bystander na nakakita sa dambuhalang buwaya.

Marami ang nag-akala na tunay ito ngunit kalaunan ay nabalitaan din nila na ito ang animatronic crocodile na si Dakila — ang buwayang magiging kaibigan ng karakter ni Ruru Madrid na si Lolong na magsiimula na sa Lunes, July 4.

Gawa sa fiberglass ang katawan ng buwaya habang silicone naman ang ginamit para sa balat nito. Kaya naman talagang akala ng mga nakakita ay totoo itong buwaya.

Pagkatapos ng kanyang “pagrampa’, sinalubong ni Ruru si Dakila sa GMA compound. Nag-post din si Ruru sa social media upang bigyang-pugay ang mga tao sa likod ng pagkakagawa kay Dakila.

Ruru bilib na bilib kay Kylie: Walang arte, walang reklamo…I will always care for you…

Ruru Madrid hindi nagpa-double sa ‘Lolong’: Lahat ng buwis-buhay stunts ako ang gumawa

Ruru Madrid inatake ng depresyon, muntik nang mag-quit sa showbiz: 2021, it’s not a good year for me…

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending