Neri gwapung-gwapo kay Chito: Para sa akin, tinalo niya si Richard Gutierrez at Papa P! | Bandera

Neri gwapung-gwapo kay Chito: Para sa akin, tinalo niya si Richard Gutierrez at Papa P!

Ervin Santiago |April 10,2022
facebook
share this

Neri gwapung-gwapo kay Chito: Para sa akin, tinalo niya si Richard Gutierrez at Papa P!

Ervin Santiago - April 10, 2022 - 07:25 AM

Chito Miranda at Neri Miranda

HANGGANG ngayon ay patay na patay pa rin ang aktres at negosyanteng si Neri Miranda sa kanyang asawang OPM icon na si Chito Miranda.

“G na G” o guwapung-guwapo pa rin daw si Neri sa bokalista ng Parokya ni Edgar kahit maraming taon na ang lumipas at kahit araw-araw pa silang magkasama.

Sa kanyang Instagram account, proud na ipinost ni Neri ang litrato ni Chito kalakip ang abot-langit na papuri sa itsura ng pinakamamahal niyang mister.

Makikita sa nasabing photo si Chito na nakasakay sa kanilang yate na pinangalanan pa nila ni Neri na “Margarita”. Ito rin yung yate na iniregalo ng aktres sa asawa para sa birthday nito this year.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Neri Miranda (@mrsnerimiranda)


Sabi ni Neri sa caption, “Habang tumatagal, pa-gwapo nang pa-gwapo sa mga mata ko ang asawa ko.

“Wala na eh. (In love na) masyado kaya biased ako sa kagwapuhan. Para sa akin, tinalo niya si Richard Gutierrez at Papa P,” ang bahagi pa ng pa-tribute ng tinaguriang wais na misis patungkol sa kaguwapuhan ng award-winning singer-songwriter.

Dagdag pang hirit ni Neri, “Oo, baka nga may diperensya mata ko eh anong magagawa ko, (in love) talaga ako sa asawa ko.”

Chika pa niya, “Mangingisda raw sya this week pang ulam namin (goodluck kung may mahuli). At least masusubukan na yung boat namin. At kapag ok na ok na, aba’y pwede na tong isama sa itinerary pag mag Pico. Mag rent sa @mirandasbeachcondo sabay isama na soon ang @margaritayacht.

“Sabay na fishing with your loved ones, pwede na ring island hopping. Kapag walang huli ang asawa ko, bibili na lang ako sa totoong mangingisda, hihi! May mga suki naman ako,” aniya pa.

In fairness, nagsisilbing pampa-good vibes din ang mag-asawang ito sa mga netizens dahil sa mga ipino-post nila sa social media kabilang na riyan ang mga inspiring na kaganapan sa kanilang pamilya.

Kamakailan nga lang ay inaliw at pinatawa nila ang kanilang socmed followers nang mag-post ng throwback photo nila ni Neri si Chito kung saan pareho silang nasa swimming pool.

Ani Chito sa caption, “Mukha akong sugar daddy nitong batang ito. For the record, at hindi naman sa pagmamayabang (medyo lang siguro), mas mayaman sya sa akin, at ako ang nireregaluhan nya ng kung anu-ano.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Nakakahiya nga kasi yung huling regalo ko sa kanya nung birthday nya, dalawang extension cord. Siguro swertihan lang talaga ‘yan,” sabi pa ng singer na may pa-hashtag pang #PangarapKongJackpot.
Ikinasal sina Neri at Chito noong 2014 at biniyayaan ng dalawang anak, sina Miggy at Cash.

Chito muling pinuri ang asawa: Napakaganda ni Neri, medyo weird, pero sobrang bait!

Hugot ni Neri para kay Chito: Wala talagang bilib ‘tong asawa ko sa akin, kontra bulate na naman!

Juday umamin, super crush noon si Francis M: Patay na patay ako sa kanya!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending