Iwa Moto hinarap na ang kinatatakutan; nakararanas pa rin ng panic attacks | Bandera

Iwa Moto hinarap na ang kinatatakutan; nakararanas pa rin ng panic attacks

Therese Arceo - September 07, 2021 - 06:17 PM

HINARAP ng dating Starstruck alumni na si Iwa Moto ang kaniyang kinatatakutan, ang lumabas ng kanilang tahanan.

Sa lumalalang sitwasyon ng ating bansa at sa patuloy na pagtaas ng mga taong nagkakaroon ng COVID-19, marami sa ating mga kababayan ang nababalot ng takot na lumabas.

Isa na nga sa mga ito ang dating aktres na si Iwa Moto.

“After being confined sa bahay, I finally faced my fears. Lumabas ako kasi I needed a change of scenery,” saad nito sa kaniyang Instagram account.

Amin nito, nakakaramdam pa rin siya ng severe panic attacks at sobra itong nagpapasalamat sa kaniyang partner na si Pampi Lacson dahil lagi siya nitong pinapatawa at nagjojoke para ma-uplift ang kaniyang pakiramdam.

Matatandaan na ibinahagi ng dating aktres noong Abril 2021 na nadiagnose ito sa sakit na bipolar disorder at post-traumatic stress disorder na nagsimula nang mawala ang kaniyang ama.

Nakadaragdag rin ang kasalukuyang pandemya sa kaniyang mental health struggle kaya hindi rin maiwasan ng dating aktres ang mag-alala sa paglabas ngunit malaki ring tulong sa kaniya ang paminsan-minsang paglabas para naman maiba rin ang kaniyang environment.

Marami sa mga netizens ang pinaalalahan si Iwa na mag-ingat at ang iba naman ay relate sa takot na nararamdaman ni Iwa.

Nag-comment rin ang kaibigan nitong si Lian Paz at sinabing, “Go babe! Stay safe! Inom muna Vdrink bago gala.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending