Jodi never nawala ang respeto, pagmamahal kay Pampi: OK kami!

Jodi never nawala ang respeto at pagmamahal kay Pampi: OK kami!

Ervin Santiago - August 08, 2024 - 06:15 AM

Jodi never nawala ang respeto at pagmamahal kay Pampi: OK kami!

Thirdy Lacson, Jodi Sta. Maria, Iwa Moto at Pampi Lacson

UMABOT ng 13 years ang paghihintay nina Jodi Sta. Maria at Pampi Lacson bago mapawalang-bisa ng korte ang kanilang annulment case.

Ayon kay Jodi, nang matanggap niya ang balitang finally, annulled na ang kanilang kasal ay si Pampi raw ang unang-una niyang tinawagan.

“It’s been more than a decade I filed for it and then finally it has been granted. And parang for me, kasi parang even if na napakaayos ng relationship namin ni Pampi, importante pa rin siya na parang legally, kumbaga, matapos.

Baka Bet Mo: Iwa Moto may pakilig na mensahe para kay Pampi Lacson: ‘I’m proud that you are mine…thank you again for being the ONE!

“And when it finally happened, when it was granted, siya ‘yung unang-una kong tinawagan,” ang pahayag ni Jodi sa panayam ng ABS-CBN.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jodi Sta.Maria (@jodistamaria)


“Sabi ko (kay Pampi) congratulations to us! Sabi ko, finally. Sabi ko, case closed. I believe ‘yung mga tao din na naka-witness nu’ng journey, isa rin sila sa pinakamasasaya for us.

“Kasi alam na mga taong ‘yun kung how hard we have prayed for this one. At matagal ha. Hindi biro. 13 years,” pahayag ng premyadong aktres.

Patuloy pa niyang chika, “The beautiful thing about this is kasi okay kami, okay ‘yung mga pamilya namin. My son, Thirdy, blended family kami, eh.

Baka Bet Mo: Anak ni Jodi bina-bash ng netizens; niloko nga ba ang dyowa?

“So talagang the respect is there. Never nawala ‘yun. ‘Yung pagmamahal nandu’n. And we would always explain to our son Thirdy na parang, mas maraming nagmamahal sa ‘yo ngayon.

“Kasi ayoko rin na tingnan niya ‘to na okay, hindi siya ‘yung ideal. But it does not mean na bad ang pagkakaroon ng blended family.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jodi Sta.Maria (@jodistamaria)


“Because I believe na hindi pa rin siya popular concept ngayon, eh. Lalo na sa kultura natin na napaka-conservative.

“Parang may mga tumataas ang kilay pa rin at hindi pa rin sila boto sa ganu’ng klase ng setup.

“But at the end of the day, it’s really to each his own. It’s working for us,” paliwanag ni Jodi.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ikinasal sina Jodi at Pampi noong 2005 at naghiwalay taong 2010. Ang nag-iisa nilang anak na si Thirdy ay 18 years old na ngayon.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending