Riva Quenery dumalaw kay Awra, inilahad ang pinagdaanan ng kaibigan: Gusto n’yo bang gawing trophy si Awra?
BUKOD kina Zeinab Harake at Xian Gaza na nag-post ng suporta sa kasalukuyang nakakulong sa Makati City Police Station na si Awra Briguela, nagpakita rin ng suporta ang aktres at social media influencer na si Riva Quenery.
Nagkuwento si Riva sa kanyang Instagram account kaninang madaling araw patungkol sa pagdalaw niya sa kaibigan at makikita rin sa post ang larawan nilang dalawa na magkahawak kamay.
“So many people are messaging me about what happened. I’m not the type of person who always gives statements through social media, but I won’t let this pass.
“I really felt sad sa nangyari sa napakaloyal kong kaibigan na si Awra. Kaninang umaga (Huwebes), tumawag siya at nalaman kong inaresto siya sa Makati dahil sa isang kaguluhan na nangyari. Dinalaw ko siya sa police station sa Makati kung saan siya na-detain at biglang bumagsak ang balikat ko nung nakita ko siya,” saad ni Riva.
Ikinuwento rin daw sa kanya ni Awra ang mga nangyari na nagsimula nang ipagtanggol lamang nito ang kanyang mga kaibigang na-harass.
“Kinwento nya sakin ang sinapit nya matapos nyang ipagtanggol ang kaibigan nya laban sa grupo ng mga lalaking hinipuan ang kanyang kaibigan. Nauwi sa mainit na pagtatalo ‘yung mga sumunod na nangyari na kung saan sinuntok s’ya ng nasabing lalaki. Nasundan na ng away sa magkabilang grupo hanggang sa dumating na ‘yung mga pulis,” pagpapatuloy ni Riva.
At dito ay nagtatanong ang aktres kung bakit ang kaibigan niya ang inaresto at nakakulong ngayon at hindi ‘yung mga lalaking nanghipo umano sa kaibigan niya.
Ani Riva, “Isang malaking katanungan lang yung nasa isip ko at ng maraming tao na kung BAKIT SI AWRA LANG ANG PINOSAS-AN AT INARESTO? “Nasaan yung mga ibang lalaking na involve sa away? The worst part is, multiple charges have been filed against Awra. Tulad daw ng assault sa pulis, disobedience at resisting arrest. Paano naman magagawa lahat ni Awra yan eh kitang-kita naman sa video na hawak na s’ya ng dalawang naglalakihang bouncer at pinoposasan pa ng pulis.
Nangangatwiran lang naman ‘yung kaibigan ko pero sigurado ako hindi mananakit ‘yun ng otoridad. Nakita ko pa kanina na ang dami nyang pasa sa likod, at may malaking bukol pa sa ulo. Hindi man lang siya sinuri or pinagamot ng maayos. Saludo ako kay Awra at kilala ko sya bilang kaibigan na kaya ka nyang ipaglaban. Pero bakit kung sino pa ang ang nasa katwiran, s’ya pa ang ikukulong?”
Baka Bet Mo: Awra Briguela nadamay sa rambulan matapos ipagtanggol ang kaibigan, inaresto at pinosasan ng mga pulis
Nabanggit pa ni Riva bakit kay Awra lang lahat naka-focus ang mga otoridad at hindi sa mga lalaking itinuturong naka-away at nag-harass sa kanilang grupo.
“BAKIT? GUSTO NYO BANG GAWING TROPHY SI AWRA?
“Laliman nyo naman ang imbestigasyon n’yo hindi ‘yung alam nyo nang mali, pinaninindigan n’yo pa. So nasaan na ‘yung mga nanghipo sa mga kaibigan ni Awra? Nasaan na ‘yung sumapak sa kanila na kahit may pulis na dumating eh hindi nagsitigil at kay Awra lang lahat naka focus. ACHIEVEMENT BA PARA SAINYO DAHIL SI AWRA ANG NAHULI NYO?” sey pa
Samantala, hindi lang mga kaibigan ni Awra ang nagpakita ng suporta sa kanya maging ang netizens ay nagsasabi ng #justiceforAwra.
“Ask help from Miss Risa @hontiverosrisa isa sya sa mga pinaglalaban tlga ang karapatan ng mga #lgbtqia. Di pwedeng palampasin to. Ilabas lahat ng cctv sa bar na yan,” saad ng isang netizen.
“Need mag file ng complaint mga kaibigan ni Awra na hinipuan para mahuli din ang mga manyak na yun,” komento ng isa pa.
Sabi naman ng isa pa, “Awra is loved by many, goodluck to those offenders sa tingin nyo ba papabayaan ng malalaking tao si Awra my ghod her connectiond are big.”
“Never make assumptions without knowing the entire context of the story. It is sad to see that those who stood up against harassment and bullying are now in jail and facing criticism. The irony is that the ones who defended themselves ended up being detained,” dagdag naman ng isa pa.
Ang isa sa malapit na kaibigan ni Awra na si Zeinab ay humihingi ng katarungan para sa kaibigan, “Awra is the best #justiceforawra.”
Anyway, bukas naman ang BANDERA sa panig ng mga otoridad at sa lahat ng kapo na dawit sa isyung ito.
Related Chika:
Zeinab Harake patunay sa pagiging totoong kaibigan ni Awra: Andito rin kaming mga totoong ipaglalaban ka!
Awra Briguela iniwan ng kaibigan matapos ipagtanggol sa mga nang-harass sa kanya
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.