Belle Mariano naglabas ng bagong album, may collab song kasama ang December Avenue
TALAGANG kinakarir ngayon ng award-winning actress na si Belle Mariano ang kanyang pagiging recording artist.
Nilabas na niya ang unang parte ng kanyang ikalawang album na pinamagatang “Somber.”
Anim na tracks ang tampok diyan at ito ang mga kantang “Roadtrip,” “Running Out of Time,” “Session Road,” “Bugambilya,” “Pansamantala” at “Somber & Solemn.”
View this post on Instagram
Baka Bet Mo: Belle Mariano wagi sa 17th Seoul International Drama Awards, Donny super proud
Samantala, ayon sa singer-actress, ang second part ng kanyang album na may titulong “Solemn” ay nakatakdang ilabas sa taong 2024.
Matatandaang ang kauna-unahang album ni Belle na “Daylight” ay inilabas noon pang 2021.
Maliban pa riyan, naglabas naman ng pasilip ang OPM band na December Avenue na kung saan ay ibinalita nila na may collaboration song sila ng aktres.
Ito ang “Wala Nang Iba” na tungkol sa dalawang taong nagmamahalan na parehong nagsisikap na maging matibay pa ang kanilang relasyon.
Tuwang-tuwa ang banda kay Belle at inilarawan pa nila ito bilang “talented singer.”
Sey sa Facebook post ng December Avenue, “It’s been awesome working with Belle sobrang talented niya! And we’re very excited for you to hear this one!”
Bukod sa mga nabanggit, marami pang proyekto ang aabangan ng fans dahil sa susunod na buwan naman ay magaganap na ang kanyang concert.
Mangyayari ‘yan sa July 22 sa New Frontier Theater sa Cubao.
Magkakaroon din ng upcoming series si Belle katambal ang kanyang onscreen partner na si Donny Pangilinan.
Pagbibidahan nila ang seryeng “Can’t Buy Me Love.”
Related Chika:
Karla kinakarir ang pagpapapayat: Wag na masyado maraming dahilan, laban para sa kalusugan!
Sharon 6 years nang kinakarir ang fitness journey; nabiktima rin ng body shaming
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.