Pokwang matapos maghain ng counter affidavit ni Lee O’ Brian: ‘Undesirable aliens have no place in this country’
PUMALAG ang Kapuso actress-comedienne na si Pokwang matapos maghain ng counter affidavit si Lee O’ Brian laban sa deportation and visa cancellation na nauna niyang ireklamo.
Matatandaang nitong buwan lang nang isapubliko ng komedyana ang kanyang paggawa ng legal na hakbang upang mapa-deport pabalik sa Amerika ang dati niyang partner ngunit nito lang ay pinalagan ito ni Lee sa pamamagitan ng counter affidavit.
Sa pamamagitan ng isang Instagram story ay ibinahagi ni Pokwang ang pahayag ng kanilang kampo hinggil sa isyu.
Ayon sa inilabas na official statement ng kanyang abogadong si Atty. Ralph Calinisan, “We maintain that Mr. William Lee O’Brian must be deported immediately from the Philippines.
Undesirable aliens have no place in this country. With this case we are pursuing, we are putting a stop to the gross manipulation of Philippine immigration laws and the acts of abuse against our client, Ms. Marietta Subong (tunay na pangalan ni Pokwang).
“The Philippines must be a safe place for everyone, especially us Filipinos.”
Sa kabila naman daw ng kinakaharap na kaso laban sa isa’t isa, nanatili raw ang respeto at pagmamahal ni Lee kay Pokwang.
View this post on Instagram
“I’d like to say is first of all, above everything, I always have respect for the mother of my child,” saad ni Lee.
Nakiusap rin ito na saba ay maging patas ang desisyon ng Bureau of Immigration ukol sa kaso kahit pa “sikat at very influential” si Pokwang.
Sey pa niya, “I want to say something, that from the beginning, throughout until today and beyond from here on out, I always put the best interest of my daughter first. I love my daughter more than anything.”
Taliwas naman ito sa mga naunang pahayag ni Pokwang nang aminin nito ang tunay na dahilan ng kanilang paghihiwalay.
Kuwento niya, simula noong magbuntis siya sa kanilang anak na si Malia ay hindi man lang raw ito nagbigay ng pera para sa kaniyang panganganak hanggap sa kasalukuyang lumalaki ito.
Nitong nagdaang linggo lang rin nang ihayag ni Pokwang na mag-unsubscribe na sa dati nilang YouTube channel dahil ayaw raw ng partido ni Lee na ibigay ang access sa kanilang mag-ina.
Bukas naman ang Bandera para sa pahayag ng mga partidong sangkot sa isyu.
Related Chika:
Pokwang nakiusap sa supporters na i-unfollow ang dating YouTube channel: Please mag-unsubscribe na kayo!
Pokwang inaming may bagong ‘nilalandi’ si Lee O’ Brian: Hindi man lang nilunok ang pride
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.