Pokwang nakiusap sa supporters na i-unfollow ang dating YouTube channel: Please mag-unsubscribe na kayo! | Bandera

Pokwang nakiusap sa supporters na i-unfollow ang dating YouTube channel: Please mag-unsubscribe na kayo!

Therese Arceo |June 21,2023
facebook
share this

Pokwang nakiusap sa supporters na i-unfollow ang dating YouTube channel: Please mag-unsubscribe na kayo!

Therese Arceo - June 21, 2023 - 06:01 PM

Pokwang nakiusap sa supporters na i-unfollow ang dating YouTube channel: Please mag-unsubscribe na kayo!
NAKIUSAP ang Kapuso actress-comedienne na si Pokwang na huwag nang tangkilikin ang dati niyang YouTube channel kasama si Lee O’ Brian.

Sa kanyang Instagram page ay hinikayat niya na abandunahin na ng kanyang supporters ang naturang YT channel na hawak ngayon ni Lee.

“Please mag UNSUBSCRIBE kayo sa Poklee youtube channel dahil wala na kami koneksyon ni @malia_obrian sa accnt nayan,” saad ni Pokwang.

Pagpapatuloy pa niya, “Bilang ayaw naman nya ibigay yan samin ng anak nya kaya gumawa nalang po kami ng bago ang Mamang and Malia youtube channel.”

Sey pa ni Pokwang, siya ang nagpakahirap pero iba ang nakikinabang kaya naman pakiusap niya na ang bagong YouTube channel kasama ang bunsong anak na lang ang i-subscribe dahil doon na rin siya mag-a-upload ng bagong vlogs.

Baka Bet Mo: Pokwang wala nang koneksyon sa ‘PokLee’ food business, ipinagbawal ang paggamit ng kanyang larawan

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Marietta Subong (@itspokwang27)

Mukha namang promising ang mga susunod na vlogs na ibabahagi ni Mamang dahil mga kilalang YouTubers ang kanyang mga nakatakdang maka-collab.

“abangan ang BONGGANG Collaboration sa mga BIG TIME NA Vlogger yeheey mabait talaga si God isang sabi ko lang willing agad sila to help like @zeinab_harake thank you nak in advance,” pagbabahagi ni Pokwang.

Matatandaang nitong Miyerkules, June 20, naglabas ng opisyal na pahayag ang Kapuso star na wala na silang kinalaman sa PokLee food business maging sa mga social media accounts nila ng kanyang dating partner.

Sinikap raw ni Pokwang na makipag-usap upang ma-recover at mapasakamay nila ang access ng mga ito ngunit sa kasamaang palad ay hindi pumayag ang partido ni Lee.

Related Chika:
Pokwang binantaan ang basher na kumontra sa pagpapa-deport kay Lee O’Brian: ‘OK may schedule ako sa NBI soon! Iyak ka later ha…BASTOS!’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pokwang wala nang koneksyon sa ‘PokLee’ food business, ipinagbawal ang paggamit ng kanyang larawan

Lee O’Brian ‘wish’ na maging maayos na ang isyu kay Pokwang: I always have love for the mother of my child

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending