Pokwang wala nang koneksyon sa 'PokLee' food business, ipinagbawal ang paggamit ng kanyang larawan | Bandera

Pokwang wala nang koneksyon sa ‘PokLee’ food business, ipinagbawal ang paggamit ng kanyang larawan

Therese Arceo - June 20, 2023 - 06:43 PM

Pokwang wala nang koneksyon sa 'PokLee' food business, ipinagbawal ang paggamit ng kanyang larawan
NAGLABAS ng opisyal na pahayag ang Kapuso actress-comedienne na si Pokwang hinggil sa joint social media account nila noon ng dating partner na si Lee O’ Brian.

Sa kanyang mga social media platforms ay ipinagbigay alam niya sa publiko na wala na siyang kinalaman maging ang kanyang anak na si Malia sa mga naturang social media accounts.

“This is to officially inform everyone that @malia_obrian and I are no longer associated with the following social media accounts: PokLee Cooking Official YouTube, PokLee Cooking Facebook and Instagram, and PokLee Food Products Instagram,” saad ni Pokwang.

Aniya, sinubukan daw nilang makipag-negotiate kay Lee upang makuha ang access at para i-manage ang mga naturang social media accounts ngunit hindi raw pumayag ang kampo ng dating partner rito.

Baka Bet Mo: Pokwang kung bakit na-’trigger’ ipa-deport si Lee O’Brian: Hindi siya marunong magpakumbaba!

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Marietta Subong (@itspokwang27)

“As a result, I have terminated any association in these aforesaid accounts, including the use of my image for promotions and any other purpose(s),” pagpapatuloy ni Pokwang.

Samantala, gumawa naman ng panibagong YouTube channel ang Kapuso star kasama ang kanyang anak na si Malia.

“You may follow and subscribe to my now-official YouTube account, Mamang & Malia. Thank you all for your love and support. Salamat po dag dag pang tuition ni Malia. Thank you,” sey ni Pokwang.

Kamakailan ay naging usap-usapan ang paghahain ng reklamo ng Kapuso star para ipa-deport sa Pilipinas si Lee O’ Brian.

Aniya, “Kailangan nating mabigyan ng leksyon ‘yung mga taong nag-aabuso sa batas natin, sa karapatan ng bawat babae, ng bawat nanay.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Pokwang binantaan ang basher na kumontra sa pagpapa-deport kay Lee O’Brian: ‘OK may schedule ako sa NBI soon! Iyak ka later ha…BASTOS!’

Pokwang pinaringgan ang lolo’t lola ni Malia: ‘Kahit minsan wala man lang pa-package, tapos mahal daw nila apo nila? Saan?’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending