Pokwang binantaan ang basher na kumontra sa pagpapa-deport kay Lee O'Brian: 'OK may schedule ako sa NBI soon! Iyak ka later ha…BASTOS!' | Bandera

Pokwang binantaan ang basher na kumontra sa pagpapa-deport kay Lee O’Brian: ‘OK may schedule ako sa NBI soon! Iyak ka later ha…BASTOS!’

Ervin Santiago |June 18,2023
facebook
share this

Pokwang binantaan ang basher na kumontra sa pagpapa-deport kay Lee O’Brian: ‘OK may schedule ako sa NBI soon! Iyak ka later ha…BASTOS!’

Ervin Santiago - June 18, 2023 - 08:34 AM

Pokwang binantaan ang basher na kumontra sa pagpapa-deport kay Lee O'Brian: 'OK may schedule ako sa NBI soon! Iyak ka later ha…BASTOS!'

Pokwang

KUNG may mga nag-agree at kumampi sa Kapuso comedienne at TV host na si Pokwang sa desisyon nitong ipa-deport ang dating live-in partner na si Lee O’Brian, may ilan ding kumontra at nangnega sa kanya.

Muling nakipagtalakan sa social media ang komedyana sa ilang netizens na hindi sumang-ayon sa pagpapalayas niya sa tatay ng anak niyang si Malia sa Pilipinas.

Beast mode na naman si Pokie nang mabasa ang matapang na comment ng isang netizen sa ginawa niyang pagpa-file ng “petition for deportation and cancellation of visa” laban kay Lee.

Sa post ng isang Twitter user last Thursday, June 15, binasag nga nito naging hakbang ni Pokwang laban sa dating partner.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Kalakip ang balitang pagsasampa ni Pokie ng petition for deportation sa Bureau of Immigration, tweet ng netizen, “After nya magpa-anak sa Amerikano (afam) to improve her race, Pokwang now wants the hubby to be deported as an undesirable alien.”

Bago ito sagutin ng Kapuso TV host, isang netizen naman ang nag-repost ng komento ng basher para ipagtanggol ang komedyana.

Sabi nito, “After magpaanak sa Amerikano to improve her race??? Ano yan bumukaka lang si @pokwang27 para magkalat ng anak?! 1. Pokwang is beautiful, di nya kailangan magpalahi sa amerikano para magkaron ng magandang anak. 2. Nagmahal yun tao hindi basta nagpakasta lang. 3. Tarantado ka!”

Si Pokwang naman ang nag-retweet nito na mat caption na, “Ok may schedule ako sa NBI soon! iyak ka later ha… BASTOS!”

Baka Bet Mo: Pokwang mas naging fresh nang hiwalayan si Lee O’Brian: ‘Wala na kasi akong patabaing biik!’

Ngunit palaban ang basher at sinabihan pa si Pokie na ang mga taong  naglaladlad ng kanilang dumi sa publiko, taga-showbiz man ito o hindi, ay dapat kondenahin.

Ni-retweet ito ng komedyana at humirit ng, “Patay gutom na troll! Bwahahhahahaha ANIMAL!”

Ayaw pa ring magpatalo ng netizen at sinagot uli si Pokie, “This is how you’ve treated the father of your child and after you’ve enjoyed the privilege of being able to travel to the US. How morally upright.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Get a better lawyer; annulment can’t be basis for deportation. Or maybe you’re just enjoying the media mileage regardless,” payo pa nito sa komedyana.

Habang sinusulat namin ang balitang ito ay hindi pa sumasagot si Pokwang. Feeling namin, gugalatin na lang nito ang basher sa pamamagitan ng demanda.

Kuya Kim apektado sa pangdededma ng volleyball team sa mga fans sa Bora; may kumampi pero meron ding kumontra

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pokwang hindi basta-basta magpapatalo: ‘Bangon! Nanay ka at marami kang labada…para sa ikauunlad ng pamilya! Laban!’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending