Sarah Reeves may bagong single tungkol sa ‘mental health’, first time nag-compose ng kanta
MATAPOS mag-viral ang bahagi ng kanta ng American singer na si Sarah Reeves ay finally ni-release na niya ang buong single ng “Get Back Your Fight.”
Ito ang kauna-unahang kanta na isinulat at prinoduce ni Sarah.
Ayon sa singer, tungkol ito sa kanyang naranasang mental health journey.
“I’ve done a lot of digging deep and healing this year, but sometimes I surprise myself when something comes up that trigger me or takes me back a few steps,” sey niya sa inilabas na pahayag ng Word Curb Entertainment.
Dagdag pa niya, “It’s discouraging, but at the same time, I never want to be afraid to confront those issues that are deeply rooted in my heart.”
Baka Bet Mo: ‘Jealousy’ ng American pop singer na si Sarah Reeves patok na: I’m glad the music is connecting to Filipino fans!
Bukod diyan, isa rin daw itong paalala sa mga katulad niya patuloy lang lumaban dahil hindi sila nag-iisa sa kanilang mga pinagdadaanan pagdating sa mental health.
“Let’s keep growing, keep healing; and don’t be too hard on yourself when you mess up. No hurt is ever wasted. We’re all in this together. Be kind to one another,” sambit ni Sarah.
Natutuwa rin ang singer dahil marami ang na-iinspire at natutulungan ang kanyang bagong kanta.
Ani pa niya, “I’m so glad this song is helping and connecting with so many of you.”
Maraming netizens naman ang napa-comment sa kanyang bagong kanta at may iilang nagsabi na ito ay naging parte ng kanilang healing journey.
“Your songs have been a part of my healing journey [blue heart emoji] this song is next level! Wow!,” komento ng isang fan.
Kwento pa ng isa, “I’m fighting so many battles right now, some for too long. I’m tired and want to give up. This song was shared to me by a dear friend of mine before you dropped it, and I just want to say Thank You to both of you.”
Ang “Get Back Your Fight” ay ang ikatlong single ni Sarah na inilabas ngayong taon.
Nauna na niyang ini-release ang mga kantang “Jealousy” at Wanna Be Here” na kabilang sa kanyang upcoming album na may titulong “Best Days.”
Related Chika:
Paglipat ni Sarah Geronimo sa GMA fake news, tuloy pa rin bilang Kapamilya
Gab Valenciano sa mga Pinoy: Hangga’t may nangangailangan, tuloy ang laban…hanggang dulo!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.